Nurse, di akalaing makakatrabaho ang sanggol na inalagaan 28 taon ang nakalipas

Nurse, di akalaing makakatrabaho ang sanggol na inalagaan 28 taon ang nakalipas

- Matapos ang 28 taon. muling nagkita ang nurse at ang sanggol na minsan niyang inalagaan

- Naalala raw ng nurse na si Vilma Wong ang pangalan ni Brandon Seminatore na tila pamilyar sa kanya

- Walang pagsidlan ng kaligayan ang naging di inaasahang reunion ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal ang pagkikita ng nurse na si Vilma Wong at inalagaan nitong sanggol noon na si Brandon Seminatore, 28 taon na ang naklilipas.

29 linggo lamang noon nang ipinanganak si Brandon Seminatore sa Lucile Packard Children's Hospital Stanford sa Palo Alto, California noong April 19, 1990. May timbang lamang noon si Brandon ng 2 pounds at 6 ounces. Dahil dito, kinailangan muna siyang manatili sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU).

Si Vilma ang naatasang magbigay ng pansamantalang kalinga kay Brandon habang ito ay nasa NICU.

Dahil dito, madalas niyang marinig sa kanyang mga magulang kung paano siya noon inaalagaan ng nurse na si Vilma.

Ngayong isang ganap na nurse na rin si Brandon, di niya inaasahan na makikilala pa niya ang kapwa niya nurse na nag-aruga sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napunta kasi si Brandon sa team ni Vilma sa pediatric ward. Nang malaman ni Vila ang pangalan ni Brandon, tila pamilyar daw ito kaya naman pinagpatuloy oa niya ang pagtatanong kay Brandon.

"I asked who he was and his name and the last name sounded very familiar. I kept asking where he was from and he told me that he was from San Jose, California, and that, as a matter of fact, he was a premature baby born at our hospital," pagbabalik tanaw ni Vilma.

"I then got very suspicious because I remember being the primary nurse to a baby with the same last name" dagdag pa niya.

At para makumpirma kung si Brandon nga ba ang sanggol na minsang inalagaan ni Vilma, tinanong nito kung pulis ba ang tatay ng bagong nurse.

Dahil dito, nakumpirma niya na makakatrabaho na nga niya ang sanggol na minsan niyang inaruga.

Samantala, kinuwento naman ni Brandon na pinahanap daw talaga ng kanyang ina si Vilma. Ngunit, inakala nila na nag-retire na ito.

"I was in shock initially but overjoyed to know that I took care of him almost 30 years ago, and now he's a pediatric resident to the same population he was part of when he was born," emosyonal na pahayag ni Vilma.

Nang ibinalita ni Brandon ang pagkikita nila na ito ni Vilma sa kanyang mga magulang, agad naman pinadala sa kanya ang larawan nila ni Vilma na karga siya.

"Meeting Vilma showed me the dedication and love she has for her career," he stated. "She cares deeply for her patients, to the point that she was able to remember a patient's name almost three decades later. Not all of us will get the chance to see our patients grow up, and I was so happy to be able to share that moment with her."

Ngayon, nag-aaruga na rin si Brandon ng mga babies sa NICU kasama ng minsan na rin kumalinga sa kanya noong siya rin ay baby pa.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel