Ilang pamilyang Aeta, tubig ulan na ang iniinom dahil sa taas ng presyo ng bilihin

Ilang pamilyang Aeta, tubig ulan na ang iniinom dahil sa taas ng presyo ng bilihin

- Tubig ulan na ang iniinom ng ilang pamilyang Aeta bilang pagtitipid

- Dahil sa mahal na ang mga bilihin lalo na ang bigas, minabuti nilang maglaga na lamang ng saging na saba upang kainin

- Maging sa tubig, nagtitipid na rin sila kaya nag-iipon na sila ng tubig ulan na gagamitin sa pang-araw araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa tindi ng inflation o pagtaas ng bilihin sa ating bansa, ilang pamilyang Aeta sa Angeles City, Pampanga ang naghigpit na talaga ng sinturon upang mairaos ang araw-araw nilang buhay.

Nalamang ng KAMI na isang pamilya nga ang naisipang mag-ipon ng tubig ulan para makatipid maging sa konsumo ng tubig.

Ang naiipong tubig ulan ang siyang ginagamit nina Mang Manolo sa mga pang-araw araw nilang gawain. Maging ang kanilang inuming tubig ay mula na rin sa tubig ulan.

Para di raw sumakit ang kanilang mga tiyan, lalo na ng mga bata, pinakukulauan naman daw nila ito.

Bukod dito, imbis na tatlo, dalawang beses sa isang araw nalang sila kumakain. Sa mahal ng bigas, Naglalabon na lamang sila ng saging na lalagyan ng kaunting asukal pampalasa. Ang masaklap pa, 15 na katao ang maghahati hati ng saging na ito sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa panayam ng ABS-CBN news sa ilan pang pamilyang Aeta, hirap din sila sa pagbababa ng kanilang produkto dahilan sa madalas na pag-ulan.

Kaya naman, pakiusap ng mga katutubo na huwag namang maliitin ang kanilang mga paninda dahil maging sila ay apektado rin sa taas ng mga bilihin sa bansa.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel