Ina, binuhusan ng mainit na tubig ang anak bilang parte daw ng "disiplina"

Ina, binuhusan ng mainit na tubig ang anak bilang parte daw ng "disiplina"

- Nagtatago na ang ina ng batang babae na binuhusan ang mga kamay ng kumukulong tubig

- Nagawa raw ito bilang disiplina ng ina sa anak

- Nasambit pa di umano ng ina na buti pa raw na di niya tinuluyang patayin ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kontrobersyal na ginawa ng "Berna" na pambubugbog sa step daughter nito na umugong nang husto sa social media, Isa na na mang ina ang pinaghahanap na ngayon dahil sa pagmamaltrato sa anak.

Ayon sa post ng facebook page na Ginalingan eh, nagawang tumakas ng ina matapos buhusan ng kumukulong tubig ang mga kamay ng sariling anak.

Nagawa raw ito bilang disiplina sa anak na babae na di nabanggit ang pangalan. Pinakita rin ang larawan ng ina nang sa gayon maipagbigay alam sa kinauukulan sakaling makita nila ito.

Ayon pa sa post, nagawa pang masambit ng ina na buti pa nga raw at iyon lang ang nagawa niya sa anak at di niya ito tinuluyang patayin. Labis itong kinagalit ng mga netizen na sumusugawa na sana matagpuan aagad ang ina nang pagdusahan nito ang ginawang pagmamaltrato sa anak.

Sa video na binahagi pa rin ng Ginalingan eh, makikitang ginagamot ang bata na labis na nahihirapan dahil parehong kamay ang nabuhusan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, di rin maiwasan ng mga netizens na magngingit sa galit sa nagawa ng ina. may ilan pa na nagsasabing marahil may deperensya sa utak ang ina kaya nagawa ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Jusko po kunting talsik lng ng mainit masakit na. Bkit naging ina kpa Mas masahol pa sa hayop ang ugali mo kahit anong pasaway ang gagawin ng mga anak ntin lalot ganyan plng ang edad wla kang karapatan ba gawin yan sa kanya kakagigil kang gaga ka ikaw dpat ang buhusan ng mainit na mantika ng makita mo"

"Gagang nanay to! Pag nahuli buhusan din ng kumukulong tubig para alam kong ano ginawa nya!"

"Pagnahuli yan paranas din sakanya ang sakit na dinanas ng bata kawawa naman"

"Marami gusto magkaanak dpat pinaampon muna lng hndi yung sinasaktan mu. Wla q kwenta ina"

"Aba angkan ni bern a..wala k kwenta ina..halos lhat na nay ni ayaw padapuan s langaw ang anak..samantala ikw bunuhusan mu..san puso mu..!!!"

"Ndi sapat ang pagbuhos den ng tubig sa kanya dapat sya namismo ung sunugin ng buhay"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings

Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings

Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel