Batang todo kapit kay teacher, ayaw sumama sa nanay

Batang todo kapit kay teacher, ayaw sumama sa nanay

-Isang batang babae ang tila takot at ayaw sumama sa kanyang ina ang todo kapit sa kanyang teacher

-Ayon sa uploader, ang guro kasi daw ang tumayong ina ng bata ng mga panahong hindi mahagilap ang ina nito

-Nahaharap sa interference charges ang guro sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang batang babae ang tila takot at ayaw sumama sa kanyang ina ang laman ng isang viral na video sa social media.

Makikita sa video ang agresibong pagkuha ng ina sa batang babae habang nagtatago ito sa likod ng guro nito.

Ayon sa uploader na si Kween Sae, na pamangkin ng guro, ito na raw kasi ang tumayong ina ng bata simula ng hindi mahagilap ang nanay nito.

Batang todo kapit kay teacher, ayaw sumama sa nanay

Photo source: Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat ng Pilipino News, mas lalo pa umanong nagalit ang babae ng malaman na nag-transfer sa ibang eskwelahan ang kanyang anak na ayon kay Kween ay may pahintulot ng ama ng bata.

Sa galit ng ina ng bata ay tumawag na ito ng pulis at binalak na sampahan ng kasong kidnapping ang guro, ngunit kalaunan ay nabago sa interference charges na kinakaharap pa rin nito sa kasalukuyan.

Ilang netizens naman ang bumatikos sa nanay ng bata.

Netizen: "Cguro sinasaktan ng nanay yan kaya ayaw sa kanya at takot lumapit."

Netizen: "YUNG BATA HALATANG TAKOT NA TAKOT.. NAKU PO!!!! TRAUMA YAN!!!!!"

Netizen: "Cguro sinasaktan yan bata kaya ayaw sumama ang bata malaki ang takot sa ina."

Malaki ang responsibilidad ng isang guro bilang pangalawang magulang ng mga bata, isa lamang ito sa nagpapatunay na madalas na lumalagpas sa pagiging guro ang kayang ibigay nila para sa mga estudyante.

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel