Malabo raw ang sagot ni Cristine Reyes tungkol sa kanila ni Ali Khatibi

Malabo raw ang sagot ni Cristine Reyes tungkol sa kanila ni Ali Khatibi

- Sa presscon ng Abay Babes ng Viva Films kung saan isa si Cristine Reyes sa mga bida ay naitanong sa kanila ang estado ng kanilang buhay pag-ibig

- Tila "save the best for last" ang peg ng reporter dahil pinakahuli ang aktres sa pagsagot

- Pero malabo daw ang sagot ng mother of one sa naturang tanong sa kanyang puso

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nasagap naming balita sa PEP, nagkaroon nga ng presscon proper ang pelikulang Abay Babes ng Viva Vilms na pinagbibidahan nina Kylie Verzosa, Roxanne Barcelo, Nathalie Hart, Meg Imperial, at Cristine Reyes.

Malakas ang balita ilang buwan na ang nakakaraan tungkol sa diumano'y hiwalayan ng mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi.

At noong Huwebes nga, September 6, tila nagbigay ng pahiwatig ang aktres sa totoong estado ng kanyang marriage pero tila nalalaboan pa rin ang marami sa sagot nito.

Nalaman ng KAMI, na tinanong ang mga bidang aktres ng Abay Babes tungkol sa estado ng kanilang mga puso.

Ang huling sumagot ay si Cristine Reyes, para daw "save the best for last," ayon pa ng reporter.

Ani pa ni Mrs. Khatibi:

"Okey naman po. Tahimik naman po ang buhay ko. Maayos naman ang lahat."

Wala ng ibang tanong pa ang press, kung hindi:

"We are happy for you."

Bumuhos naman ng komento ang tungkol sa interview ito.

"Ano sabi ni xtin? Hiwalay na malamang sila...tahimik na daw buhay niya eh kalungkot namn.may baby pa naman sila.kahit ano ka kaganda at kasexy...iiwan ka kung gusto ka IIWAN"
"sa panahon ngayon sikat kmn or maganda,m bait ,at etc..iiwanan kparin."
"Christine's answer at 8:10 (smirking face)"
"Ok nman daw sila"
"Baka c Cristine Ang ayaw nah. Alamin mona"
"So ano na ba talaga christine hiwalay ka na ba?"
"Anu ba talaga?"

Si Cristine Reyes ay isa sa mga aspiring stars ng StarStruck noong 2003, at ngayon, ay Kapamilya aktres na at Viva Artists Agency talent.

Nag-asawa sila ni Ali Khatibi noong 2006, at may isang anak na ang pangalan ay si Amarah.

POPULAR: Read more news about Cristine Reyes here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel