Vina Morales, ibinunyag na sumailalim sa prosesong "egg freezing"

Vina Morales, ibinunyag na sumailalim sa prosesong "egg freezing"

- Sa panayam ng press people kamakailan lang kay Vina Morales, naibunyag nya ang tungkol sa egg freezing

- Isiniwalat nya na sumailalim sya sa nasabing proseso, at ani pa niya, "Investment talaga kasi mahal siya"

- Pinahayag ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi acktres ang rebelasyong ito sa pocket presscon ng 20th anniversary ng Ystilo salon

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa PEP, ibinunyag ni Vina Morales sa mga press people ang tungkol sa egg freezing sa pocket presscon ng 20th anniversary ng salon na pinagmamay-ari nya at ng kanyang mga kaapatid, ang Ystilo, noong September 4, 2018.

Napag-alaman ng KAMI na inamin ng 42-year-old aktres ang pagsailalim sa egg freezing.

Dagdag pa nito ay isiniwalat din nya ang presyo sa nasabing proseso, at ani pa nya, nagkakahalagang humigit-kumulang sa kalahating milyong piso.

At ito ay hindi pa kasama ang annual storage fees.

Ang egg freezing ay kinilala rin sa tawag na "mature oocyte cryopreservation," na ayon pa sa Mayo Clinic isang paraan kung saan:

"eggs are harvested from ovaries, frozen unfertilized, and stored for later use."

Kapag ang babae ay gusto na at ready ng mabuntis, ang kanyang frozen egg ay, ayon pa sa mga eskperto:

"can be thawed, combined with sperm in a lab, and implanted in her uterus through in vitro fertilization."

Pagpapatuloy pa ni Vina Morales:

"Oo, suwerte ako, I was able to save seven, healthy siya. Pero yung pangalawa wala, hindi siya healthy."

Inamin naman ng Kapamilya actress-singer na hindi na nya inusisa pa kung paano ginagawa ang "egg freezing," o ang kabuuan sa proseso.

Ani pa niya:

"Hindi ko pa masyadong inaaral, sa akin lang, I have to save. Ako, puwede pa naman ako [mabuntis], it’s just that, maybe in the future. Basta at least meron akong na-save... gusto ko lang talaga may healthy eggs."

Binalita namin kamakailan lang ang tungkol sa "egg freezing."

Dumagdag si Vina Morales sa mga artistang sumailalim sa egg freezing na una na namin binalita rito.

Kamakailan din, ito rin ang advice ni Ina Raymundo sa kanyang mga kaibigan na nasa 30s, ani pa ng huli: "You gotta freeze your eggs."

Si Vina Morales ay unang pumasok sa showbiz sa That's Entertainment noong 1987, at naging isa sa mga sikat na mga leading ladies at singers sa kanyang henerasyon.

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang aktres sa showbiz, at makikita sya ngayon sa Kapamilya TV program sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi bilang si Celestina de Alegre.

May isang anak na si Vina at ang pangalan nito ay si Ceana Lee.

Bukod pa sa showbiz ay isang businesswoman din si Vina Morales.

POPULAR: Read more news about Vina Morales here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel