Mr. Escort Greg Hawkins, nakapagsasalita at nakakaintindi ng Tagalog kahit hindi siya Pinoy

Mr. Escort Greg Hawkins, nakapagsasalita at nakakaintindi ng Tagalog kahit hindi siya Pinoy

- Unti-unting nakikilala ngayon si kuya escort na mapapanood sa It's Showtime

- Inaabangan na din ngayon ang Ang "love triangle" nina Vice, Ate Girl at Kuya Escort

- Half-American at half-Korean si Greg

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ngayon sa pinakainaabangan ng mga manonood ay ang kwelang "love triangle" nina Vice Ganda, Ate Girl Jackque Gonzaga, at Kuya Escort Greg Hawkins sa "Miss Q & A" segment ng It’s Showtime.

Unti-unting nakikilala si Greg Hawkins na kilala bilang bansag na kuya escort.

Sino nga ba si kuya escort?

Siya ay isang half-American at half-Korean gayunpaman, nakapagsasalita at nakakaintindi ng Tagalog si Greg.

Isa siyang missionary ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa Pilipinas noong 2016 kaya siya natutong magtagalog.

Kabilang sa kanyang ginawa bilang missionary ay ang pag-iikot si Greg sa maraming sulok ng bansa para makumbinsi ang mga Pilipino na umanib sa simbahan nila.

25 taong gulang ang binata at may height na 5'10.

Sa isang panayam kay Lito de Guzman, ang nakadiscover kay Greg, kinuwento niya ang ilang bagay tungkol sa binata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"May college degree si Greg, graduate siya ng management major in accounting.

"Wala siyang Filipino blood.

"Nang matapos ang mga missionary work niya sa Pilipinas, bumalik siya sa Amerika.

"Pero sinabi ko sa kanya, kung gusto niyang mag-artista o gumawa ng mga television commercial, bumalik siya sa akin.

"After one year and a half, saka siya nag-decide na magbalik sa Pilipinas noong December 19, 2017.

"Sinabi ko sa kanya na magsipag lang siya sa mga audition, makakatsamba rin siya.

"Unang nakita si Greg sa audience gallery ng Gandang Gabi Vice.

Nag-umpisa umano siya sa PGT.

"'Tapos, kinuha na siyang escort ni Orville Tonido sa Pilipinas Got Talent.

"Pinag-audition ko din siya sa It’s Showtime at pumasa naman siya.

"Una, trial lang kasi walang spot, pero nakatuwaan ni Vice si Greg kaya nagtuluy-tuloy na ang exposure niya."

Malaki naman ang pasasalamat ni Lito sa programa at kay Vice Ganda para sa pagbigay ng chance kay Greg na sa tingin naman niya ay deserve ng binata dahil sa kabaitan nito.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions!

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel