Dad-to-be, nakakatawa ang reaksyon ng makita ang mga presyo ng gamit pangbaby

Dad-to-be, nakakatawa ang reaksyon ng makita ang mga presyo ng gamit pangbaby

-Nakakatawa ang reaksyon ni Jonas Gabriel Pangan ng makita niya ang mga presyo ng mga gamit pang-baby

-Ayon sa kanya, nagulat daw talaga siya. At dahil hilig niya ang gumawa ng makukulit na video, naisipan niyang gawan ng video ang kanyang sitwasyon

-Nangyari daw talaga ito nun mga-window shopping sila para sa baby sa unang pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Six months on-the-family way na si Jonas Gabriel Pangan at ang kanyang Misis, kaya naman ready na silang mamili ng mga gamit para dito.

Pero ang hindi niya akalain ay ang nagmamahalang presyo ng mga gamit para sa baby!

"Nagulat lang talaga ko sa price nung ibang items, kahit 'ung mga naka-sale na," ayon sa interview nito sa Smart Parenting.

Anito, alam niyang hindi cheap ang mga gamit para sa baby ngunit hindi niya inaasahan na ganun kamahal.

"Mahilig akong gumawa ng makukulit na video. Kaya nung nakita ko ung mga price tag, ayun, triggered ako," anito ang asawa na si Catherine ang kumuha ng video.

Nakakatawa ang bawat reaksyon niya kada makikita niya ang presyo ng mga ito, kasama na rin sa nagpakwela sa 1 minute video na ito ay ang ginamit na kanta dito, ang kanta ni Gary V. na 'Wag ka ng umiyal' at ang kanta ni Manny Pacquiao na 'Para sa'yo (Ang laban na 'to).

Inamin nito na hindi naman sila talaga nakabili ng araw na iyon ngunit sinabi naman nito na bilang malapit ng maging magulang, handa naman daw sila para dito.

"We're willing to buy stroller and bed, kahit medyo expensive. Lalo na kung maganda naman ang quality. Para safe si baby and for future babies na din, para may magagamit na sila,

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In terms of financial, ready naman po tayo," anito. "Pinanghahawakan talaga namin ung God will provide," ayon pa dito.

"Being a dad is a privilege. It is God's gift," dagdag nito.

Samantalang mukhang relate na relate naman ang ilang mga netizens dito. Sa facebook, meron na itong 2.1 million views, 31,000 reactions at mahigit 28,000 shares.

"Nakakatuwa din kasi nakarelate sila, na as a dad, as a parent, siyempre yung best yung gusto mo para kay baby. Kahit masakit sa bulsa," sabi pa ni Jonas.

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel