Mangingisdang pusher huli! Mas madali daw magbenta ng droga kaysa mangisda

Mangingisdang pusher huli! Mas madali daw magbenta ng droga kaysa mangisda

-Nahuli sa isang buy bust operation ang isang mangingisda na tulak ng droga

-Ayon dito, mas madali daw magtulak ng droga kumpara sa pangingisda

-Nakuha mula dito ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang mangingisda na tulak ng droga sa Navotas City. Ito ay matapos mabilhan ng droga sa isang buy bust operation, ayon sa ulat ng GMA News.

Kinilala ang suspek na si Angelo Arnejo, na matagal na umanong minanmanan ng mga awtoridad.

Sagot naman nito, mas madali daw ibenta ang droga kaysa ang mangisda lalo pa at walang huli, dagdag-kita umano ang pagtutulak ng shabu.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa police information, itinimbre umano ito ng isa pang tulak din na nauna ng naaresto, na siyang pinagkukuhanan nito.

"Dating lookout, ngayon siya na ang pumalit ng nagbebenta dahil wala na 'yung nagbebenta eh," ani ni Sr. Inspector Mark Flores, Navotas Police SDEU chief.

Hindi naman ito itinanggi ng suspek at sinabing may isang buwan na rin siyang nagtutulak ng ilegal na droga.

"Dagdag-kita sir. Ayan lang ang madaling pagkakitaan kasi. Minsan kasi sa dagat, wala namang mga huli. Minsan malalaki pa mga alon kaya, wala, walang huli talaga eh," ayon dito.

Mga kapwa mangingisda din daw ang kanyang mga parokyano.

"Bago sila lumaot, pupuntahan po nila ako sa bahay saka po du'n nila kukunin tapos magbabayad po sila."

Nakuha umano dito ang 30 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P200,000.

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel