TBT 3! 12 beautiful at famous stars throwback sneak

TBT 3! 12 beautiful at famous stars throwback sneak

Heto ang ating part 3 sa "noon at ngayon" edition sa mga sikat at magagandang artistang babae at ang kanilang mga litrato noong nag-umpisa pa lang sila at ngayon.

Talaga namang ang layo layo na ng narating ng mga sikat na artistang ito at kung ano na ang kanilang mga achievements simula noong nag-umpisa hanggang ngayon, at sila rin lang naman ang iilan sa most followed celebrities sa Instagram, Facebook, at Twitter.

Kaya ililista na ng KAMI, ang 10 beautiful at famous stars at ang kanilang mga tbt snaps galore na nakuha namin sa social media sites.

1. Judy Ann Santos

Noon

Ngayon

Unang lumabas sa Kaming Mga Ulila noong 1986 bago maging si Mara sa Mara Clara at ngayon ay si Starla.

Multi-award winning actress s Judy Ann Santos pagdating sa dramahan dahil pak na pak ang galing.

2. Julia Barretto

Noon

Ngayon

Dahil sa angking pretty face ni Julia Barretto, nag-umpisa ang dalaga bilang commercial model hanggang naging si Isabelle sa Gulong Ng Palad noong 2006.

Bago maging si Eva Mapendo / Angela Marquez Cortes sa Ngayon at Kailanman ngayon.

3. Julia Montes

Noon

Ngayon

Bago maging si Juliana Ramirez / Juliana "Ana" Dimasalang-Del Mundo/Stella Dela Torre-Guerrero ng Asintado, una syang naging si Danica sa Sana ay Ikaw na Nga noong 2001.

4. Julie Anne San Jose

Noon

Ngayon

Naging 1st runner-up sya sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga noong 1997 bago pa man naging isa sa mga magagaling na singer, actress, endorser, at performer ng kanyang henerasyon.

5. Karylle

Noon

Ngayon

Unang nakilala bilang host ng SOP noong 2001 bago maging isa sa mga mainstays ng It's Showtime sa Kapamilya.

6. Kathryn Bernardo

Sya muna si Young Cielo San Carlos ng It Might Be You noong 2003, bago pa man maging si Malia Rodriguez ng La Luna Sangre at si George ng super blockbuster hit The Hows Of Us.

7. KC Concepcion

Noon

Ngayon

Kahit hindi pa pumasok si KC Concepcion sa showbiz ay kilalang kilala na sya ng mga madlang people dahil si Megastar Sharon Cuneta lang naman ang kanyang mommy at si Gabby Concepcion ang kanyang daddy.

Hindi ma sya active sa showbiz ngayon ay hindi pa rin nawawala sya sa limelight dahil sa kanyang mga nakakagiliw na Instagram posts.

8. Kim Chiu

Noon

Ngayon

Alam na alam ng lahat na si Kim Chiu ang kauna-unahang winner ng Pinoy Big Brother sa kanilang first season.

Ngayon, umaapaw na sa awards, endorsements, shows, movies, at kasikatan ang chinita princess.

9. Kris Aquino

Noon

Ngayon

Unang naging si Dida ng Pido Dida:Sabay Tayo noong 1990, bago maging host sa Actually, 'Yun Na! sa RPN noong 1994.

At ngayon siya lang naman si Princess Intan sa Hollywood film na Crazy Rich Asians.

10. Kylie Padilla

Noon

Ngayon

Naging si Erenea muna si Kylie Padilla sa Carlo J. Caparas' Joaquin Bordado noong 2008 bago maging isa sa napakasikat na sang'gres ng Encantadia remake na si Sang'gre Amihan, at si Adira Aguilar ng The Cure.

12. Kyline Alcantara

Noon

Ngayon

Unang naging si Ponsi sa Wansapanatym:Christmas Caroline noong 2001, at ang batang si Janine Del Castillo ng Precious Hearts Romances: Lumayo Ka Man Sa Akin noong 2012 bago maging La Nueva Kontrabida na si Cheska.

Kamakailan lang ay inilista namin ang part 2 o 2nd batch ng "noon at ngayon" pictures n mga sikat na mga Pinay celebrities.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel