Bata, sinisilid sa plastik at inaanod sa ilog makapasok lang sa paaralan

Bata, sinisilid sa plastik at inaanod sa ilog makapasok lang sa paaralan

- Viral ang mga larawan ng batang sinisilid sa malaking plastik at itinatawid ng isang lalaki papasok sa paaralan

- Makikita sa post na hinahatid pa ng ina ang batang sinisilid sa supot at upang di ito mabasa o maanod ng tubig

- Nababahala ang mga netizens na nakakita ng post dahil sa peligrong maaring idulot ng tubig sa ilog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang batang isinisilid sa malaking plastik at itinatawid sa ilog.

Ayon sa post ng Cyberworld trending, araw-araw daw ito nangyayari sa makapasok lamang daw sa paaralan.

Ginagawa ito upang di mabasa ang bata na maaring magdulot ng pagkakasakit.

Hinahatid ito ng ina, at itinatawid naman ng isang lalaki habang ito ay hinihila.

Bukod dito, dumaan pa raw ang bata bundok at pagdating sa ilog at sapa ay siya namang silid sa malaking plastik.

Nalaman ng KAMI na binahagi ito upang makarating sa publiko at magawan aksyon o matulungan ng pamahalaan nang sa gayon maging maayos ang daanan ng bata patungo sa kanilang paaralan.

Samantala, labis naman itong kinabahala ng ilang netizens na nakita ang mga larawan. Maaring di nga raw mabasa ang bata ngunit baka naman ibang peligro ang kaharapin nito habang siya ay nasa loob plastik.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kanilang mga komento:

"May this be an eye opener to our youth today whi are averse to go to school despite the good opportunity they have. These kids undergo lots of sacrifices looking forward for a better tomorrow. Remember that good education is the mist wonderful legacy that a parent could bequeath to his or her child."
"Sakrispisyo ng magulang at mga anak na gustong umahon sa hirap, sana balang araw makamtan nila ang ginhawa!"
"Delikado din yan sa mga buhay ng mga bata Baka sila masuffocate mawaln ng hangin sa loob ng plastic"
"Gravey buwis bhay ang pg asang maibgay ng magulang ang education sa anak Hindi ktulad myyaman do cotse dpa sundo p ng buddy guard piro ngbubulakbol s pg aaral"
"Yan dapat ang ina atupag ng mga nasa gobyerno"
"pls tulungan nyo cla kwwa tlga buwis bubay ag ginagwa nila s araw2x"
"Naku delikado masoffucate pa yun bata kawawa nman cila saan lugar kaya yan"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel