Marian Rivera ibinulgar ang pagtakbo ni Dingdong Dantes sa 2019 election

Marian Rivera ibinulgar ang pagtakbo ni Dingdong Dantes sa 2019 election

- Usap-usapan na nga ngayon sa mundo ng showbiz at pulitika ang pagtakbo ni Dingdong Dantes sa susunod na halalan

- Ang impormasyon ay galing mismo sa asawa nito na si Marian Rivera sa isang media launch ng produkto na iniindorso ng Kapuso Primetime Queen

- Ngunit, hindi sinabi ng aktres kung anong posisyon ang gusto ng asawa dahil ani nya mas mabuti raw kung si Dingdong Dantes ang tanungin tungkol dito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matagal ng haka-haka ang pagtakbo ni Dingdong Dantes sa susunod na eleksyon at ang sabi pa ng marami tatakbo raw ito ng senador.

Ngayon, tila ang mga ispikulasyon ay nabigyan na ng liwanag dahil ang mismong maybahay ng Kapuso aktor ang nagbulgar tungkol rito.

Una namin nalaman ang balitang ito sa FB page ng Definitely Filipino na shinare naman din nila mula sa kickerdaily.com.

Naispatan ng KAMI ang isang video sa YouTube na binahagi ng channel na may pangalang "noel asinas blog."

Dito nag-umpisa lahat ang pinag-uusapang balita tungkol sa kumpirmasyon sa pagtakbo ni Dingdong Dantes sa susunod na eleksyon, ngayong 2009.

Nangyari ang rebelasyon sa media launch ng bagong produkto na iniindorso ni Marian Rivera.

Isang reporter sa press huddle ang nagtanong kay Marian tungkol sa pagtakbo ni Dingdong at kung tatakbo ba raw ito bilang senador.

Ani naman ng Kapuso Primetime Queen:

"Well, tatakbo hindi ko alam kung anong posisyon pero definitely yes, alam ko tatakbo sya."

Nang tanungin sya kung gaano ka buo ang suporta na ibibigay sa asawa, biglang sambit ni Marian:

"Pero siguro, ang pangit kasi kung sa akin nanggagaling naman na tatakbo ang asawa ko ha. Ganito posisyon sya."

Dagdag pa nya:

“Hayaan na natin, ibigay natin sa asawa ko na mismo siya maglatag sa inyo kung tatakbo ba siya, ano posisyon, rerespetuhin ko na siya na magsabi sa inyo."

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar”

Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Ipinanganak naman niya si Zia noong November 23, 2015. Sinabi na niyang may balak siyang magkaroon ng pangalawang baby sa hinaharap.

POPULAR: Read more news about Marian Rivera here

Panoorin at pakinggan ang sagot ni Marian simula sa 2:50 timestamp.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel