Confirmed! Rayver Cruz opisyal na winelcome sa Kapuso

Confirmed! Rayver Cruz opisyal na winelcome sa Kapuso

- Kahapon nga ay bumilandra ang balita na opisyal Kapuso na si Rayver Cruz at binalita naman ito ang pinost pa sa Instagram page ng naturang network

- Ang haka-haka ay kinumpirma na nga, at winelcome back ang dating Kapamilya actor sa GMA-7, kung saan naman sya unang naging parte bago sa ABS-CBN

- Ngayon, confirmed na talaga at excited na rin daw si Rayver Cruz na sumabak muli sa isang teleserye

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Usap-usapan nga ngayon ang paglipat ni Rayver Cruz sa Kapuso network.

Matatandaaan na huling nakita ang aktor bilang si Kidlat sa Bagani sa Kapamilya evening primetime TV series na natapos na noong August 17, 2018.

Ayon pa sa balita na una naming naispatan sa Facebook page ng GMA News Online, bumalik si Rayver sa GMA pagkatapos ng halos dalawang dekada.

Una syang nakita sa Ibang Klase bilang isang contestant noong 1997, ayon pa sa kanyang online bio.

Sa katunayan, nalaman ng KAMI na noong September 6, ay pumirma na si Rayver Cruz ng kontrata at excited naman daw syang nagbalik sa Kapuso network.

Inamin naman ng aktor na noong una ay nahihiya sya kasi sobrang tagal na nga nya nung huli syang nakatungtong sa GMA network.

Pero kalaunan ay naging komportable naman daw siya nang makakita ng mga old, familier faces na nakilala nya sa istasyon.

Saad pa ni Rayver:

“I'm excited to start working with GMA Network. I'm just happy and blessed na anytime soon magsa-start na rin ako mag-work.”

Handa naman daw si Rayver na sumabak kaagad sa isang teleserye pero ngayon sa Kapuso na.

Ani pa niya:

"Ang pinaka-challenging kasi talaga for me is mga drama, so excited na ako. I think magsa-start na rin ako soon with Kris Bernal and Thea Tolentino, so I'm really looking forward to it.Maganda kasi yung story, love story siya kakaibang love story. Basta it's an exciting love story."

Bumuhos naman ang mga reaksyon ng fans tungkol dito sa Facebook at Instagram page ng Kapuso.

"Sad! Ang bukod tanging Kapamilya crush and idol ko sa dancefloor..But I felt kilig at the same time (Janine)All for love!.. Enjoy and all the best po @rayvercruz!"
"mag ka network na talaga ang dalawang magkapatid which is rayver and rujun"
"Congrats Rayver to be honest sayang talaga yung career mo kung laging supporting na lang ibibigay sayo ng abs welcome back kapuso"
" ibang iba nag dating kahit titigan d nakakasawa"
"Hala sinundan ang gf na si Janine. Welcome to GMA"
"gwapo tindig lalaking lalaki galing pa sumayaw yan"
"Mag ka work napo kayo ng brother mo..gud2x"
"may true loveteam na si janine"
"@rayvercruz Would love to see you and Carla Abellana in a Teleserye together"
"Congrats @rayvercruz okay lang kahit di kana namin makikita sa ABS para naman din yan sa career mo"
"I miss you and i love you @rayvercruz wherever you are u. Wether kapamilya kapuso. You stil number one for me. Super handsome super bait. Full package na talaga.. always takecare my idol rayver"
"Kung san ka masaya susuportahan nmin mapa kapamilya or kapuso man we love you Baby Rayray jiji"

Ang ibang fans ay masaya dahil makakasama na nya ang kanyang kapatdi na si Rodjun at girlfriend na si Janine Gutierrez.

Kamakailan lang ay binalita namin ang tungkol sa paglipat diumano ni Rayver Cruz sa GMA.

At ngayon, confirmed na!

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel