Kasambahay paggising, magbubukid sa tanghali. OFW, nagpapakatatag sa hirap ng buhay

Kasambahay paggising, magbubukid sa tanghali. OFW, nagpapakatatag sa hirap ng buhay

-Kahit palipat-lipat siya ng lugar sa ibang bansa, patuloy na nagpapakatatag si Rose para sa pamilya

-Nagbubukid at naglalagari daw ng puno kahit pa nga kasambahay pa siya ng amo

-Hindi lang pagod at sakripisyo ang madalas na nagpapahirap sa kanya kundi pati ang pangungulila sa pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa lang si Rose sa mga overseas Filipino workers (OFW) na patuloy na lumalaban sa buhay sa ibang bansa. Tipikal lang ang istorya, kailangan ng pangbuhay sa pamilya.

Dalawa ang anak niya at noong umalis siya ay 3 taon pa lamang ang panganay at 1 taon ang bunso. Mahirap para sa isang ina na mawalay sa mga anak ngunit kinailangan niya itong gawin para sa kinabukasan ng mga anak.

Sa kabila ng hirap at maraming sakripisyo. OFW patuloy na nagpakatatag

Photo source: Rose Calma

'Pag dating niya sa ibang bansa, isang buwan umanon siyang pinagpasa-pasahan ng iba't-ibang amo, kaba at nerbyos ang kanyang kinalaban dahil na rin sa talamak na bentahan ng mga alipin sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa awa naman ng Diyos, pagkatapos ng isang buwan, dinala umano siya sa Albaha at nakilala ang lalaking amo. Makalipas lamang ang isang linggo dinala naman sila sa Egypt. Sa loob ng 6 na buwan, nag-stay siya doon at tiniis ang pagod sa paglilinis ng mga bahay na pinarerentahan ng amo.

Habang nasa ibang bansa si Rose, sinubok na naman ang kanyang katatagan ng isugod sa ospital ang kanyang bunsong anak at kinailangang lagyan ng oxygen.

Kahit pa nagmakaawa sa amo, hindi siya pinayagang makauwi ng mga amo. Subalit binigyan naman daw siya ng kaunting tulong. Nais mang umuwi para sa anak, kailangan niyang bayaran ang 40k Riyal na ginastos umano ng mga ito para sa kanya.

Hindi pa dito nagtapos ang pagsubok kay Rose, hindi man nilinaw ni Rose ngunit isa umanong mahal sa buhay ang nawala sa kanya at tuluyang nasira ang kanyang iningatang pamilya.

Ngunit patuloy siyang pinatibay ng mga pagsubok at para na rin sa pagmamahal sa mga anak.

Sa kasalukuyan, ibinalik muli siya sa Egypt at doon ulit sinusubok ng buhay. Kasambahay umano siya ngunit nagbubukid din sila. Hindi birong hirap at pagod ang dinadanas niya dito dahil sa bukod sa paglilinis sa 2 palapag na bahay ay magbubukid pa sila.

Ayon kay Rose, ngayong buwan na ang uwi niya sa bansa. Nais umano niyang ibahagi ang kanyang kwento upang mas lumakas ang loob ng kapwa OFW na dumadanas din ng hirap at minsa'y dahas sa dayuhang bansa.

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel