Jollibee delivery boy, di pinahiya ang 92 taong gulang na lola na diretsong umorder sa kanya

Jollibee delivery boy, di pinahiya ang 92 taong gulang na lola na diretsong umorder sa kanya

- Viral ang post ng isang netizen kung saan di pinahiya ang matandang umorder ng pagkain diretso sa isang delivery boy ng Jollibee

- Akala ng nag-upload na di papansinin ng delivery boy ang matanda, ngunit pinaunlakan niya ito

- Umani ng papuri ang delivery boy sa pagmamalasakit nito sa 92 taong gulang na matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng facebook user na Maris Mayol Tian kung saan binahagi niya ang kabutihang ginawa ng isang delivery boy sa isang 92 taong gulang na matanda.

Ayon sa post, si Maris ang talagang umorder sa Jollibee. Nakita ng kapitbahay nilang lola ang delivery boy at tinanong kung ano ang "ginagawa" nito. Nang malaman na ito ay naghahatid ng mga pagkain, walang ano anong umorder na agad ang matanda sa delivery boy.

Akala raw ni Maris iisnabin ng delivery boy ng Jollibee ang matanda. Ngunit di nito binigo ang lola at siya na lang mismo ang tumawag sa hotline ng fast food chain upang sabihin ang order.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na dati dismayado si Maris sa delivery ng sikat na kainan sa bansa, ngunit dahil sa kanyang nasaksihan, tila mas mapapadalas na raw ang pagpapadeliver niya rito.

Samantala, umabot na ng 71k na reaksyon ang post na ito ni Maris sa loob lamang ng walong oras na pagkaka-post.

Labis na natuwa rin ang mga netizens at humanga sa kabutihang pinakita ng delivery boy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"GG delivery guy. faith in humanity restored"

"kudos to this accommodating Delivery Man .. dapat gaan xa award as a good Employee #jollibee"

"In fairness nila lately kay nag better na ilang Jollibee delivery. Pro customers na."

"the driver had compassion and that’s really commendable"

"Dapat pasikatin natin para tularan... share pa more from Bacolod Branch Yan.."

"Viral! hope the driver/ rider gets to be regularized"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel