Isang pari diumano ang nakunan ng video na nagsabing ipinagdasal daw niya na magkasakit na si Pangulong Digong

Isang pari diumano ang nakunan ng video na nagsabing ipinagdasal daw niya na magkasakit na si Pangulong Digong

-Sa isang viral video na kumakalat, maririnig ang isang pari na diumano nagsabing ipinagdasal niya na magkasakit na si Pangulong Duterte

-Ito daw kasi ay dahil sa sinabi ni Digong na pagod na siya sa problema ng ating bansa

-Matagal ng tila mainit ang bawat panig sa isa't-isa, umani naman ito ng pagbatikos mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang video ang kumalat sa social media dahil sa nakakagulat na pahayag diumano ng paring nagmimisa sa viral na video. Ani ng pari, ipinagdasal niya na magkasakit si Digong.

"Kaya pinagdasal ko naman na magkasakit si Digong... Di ba sabi niya pagod na siya eh di magpahinga muna siya... Isa lang yan sa mga dalangin ko... Sapagkat kahit na tayo ay tahimik pero naghihintay lang tayo ng mga pagkakataon." pahayag nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umani naman ito ng pagbatikos mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa mga komento ng mga Pilipino:

Netizen: "Hindi dapat tularan at pakinggan ang ganyang pari. Imbes na sila ang mgturo ng magandang asal, gawa at turo ng Diyos eh sya pa ang nananalangin ng hindi maganda sa kanyang kapwa hayy sana po patawarin sila ng Panginoon"

Netizen: "Mahalin ang kaaway hindi ipagdasal na mamatay tinuringang pari ka.makasalanan ka......"

Netizen: "Father sana inisip nyo muna sinasabi nyo, kc marami pong kaparian ang maapektuhan sa ginawa nyo, hindi po ugali ng pari ang manalangin ng ikasasama ng kapwa nya, khit cno pa cya"

Ayon pa sa caption ng viral na video na ito na madalas nating marinig sa mga sermon sa simbahan:

Mateo 5:44 "Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig; "

Roma 12:20 "Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo."

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag mula sa simbahan.

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger

Almira Muhlach at ang kanyang beauty queen doppelganger
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel