Tito Sotto, nagbigay babala sa ‘fake news’ ukol sa ilegal na pag-aresto kay Trillanes

Tito Sotto, nagbigay babala sa ‘fake news’ ukol sa ilegal na pag-aresto kay Trillanes

- Nagbigay babala si Senate President Tito Sotto tungkol sa mga 'fake news' na kumakalat

- Ayon sa fake news ay aaresuthin ng OSAA si Trillanes kahit na walang warrant of arrest

- Ngunit ayon sa DOJ ay maghahain na sila ng arrest warrant sa Makati RTC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Simula pa lang nung una ay pinanindigan na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto IV ang desisyong walang pag-aarestong magaganap sa Senate office. Kaya naman hangga’t nandoon pa si Sen. Trillanes ay hindi siya pwedeng arestuhin lalo na kung wala pang warrant of arrest.

Ayon kay Sotto, may mga natanggap siyang balita na galing raw sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) nagsasabing aarestuhin si Senador Trillanes ano mang oras mula 7:30 a.m. hanggang 8:30 a.m.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma naman ni Tito Sotto na walang sinasabi ang OSAA matapos siyang tawagan niyo.

“Ingat kayo sa fake news,” babala ni Sotto.

Kumalat ang mga fake news tungkol sa ilegal na pag-aresto kay Senador Trillanes noong Huwebes simula nung nag-stay ang senador sa building ng Senado. Ayon sa kanya, hindi siya pwedeng arestuhin dahil walang hinain na arrest warrant ang Pangulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Subalit ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Guevarra ay maghahain sila ng warrant of arrest sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ukol sa Manila Peninsula siege na pinamunuan ni Sen. Trillanes.

Sa dating report ng KAMI, siguradong sigurado si Sen. Trillanes na hindi siya pababayaan ng Senado at maninindigan si Tito Sotto sa kanyang desisyon.

POPULAR: Read more about Tito Sotto!

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel