PCOO, nag-issue ng memo kay Mocha Uson

PCOO, nag-issue ng memo kay Mocha Uson

- Nakatanggap ng memo si Mocha Uson mula sa PCOO

- Ayon kay Asec. Banaag, dahil ito sa naging viral na ‘ipederalismo’ video

- Dagdag niya pa, mandato ng PCOO na mag-set ng magandang imahe para sa mga kababaihan sa mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Assistant Secretary Marie Banaag, nagbigay ng memo ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) kay Asec. Mocha Uson. Ito ay para paalalahanan siya sa asal at etikal na pamantayan ng mga public officials.

Sabi ni Asec. Banaag, “Nag-issue ng memorandum kay ASec. Mocha Uson to remind her doon sa lahat ng pino-post niya and to remind her din doon sa provision ng RA 6713, the norms and conduct of public officials and employees especially on professionalism,”

“Ito ang first na reminder na official na pinatanggap ng PCOO through USec. Badoy [kay Uson],” dagdag niya pa. Si Undersecretary Lorraine Badoy ang naging daan para ma-issue ang memo kay Uson.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang memo ay may kinalaman sa naging viral video ni Mocha Uson na ‘ipederalismo’ kasama ang pro-Duterte blogger na si Drew Olivar. Samu’t saring batikos ang inabot ni Mocha Uson dahil sa kanyang hindi pagseseryoso sa issue ng pederalismo.

Ayon kay Asec. Banaag, hindi nila isinasawalang bahala ang mga komento ng mga netizens tungkol sa issue na ito. Layunin din ng PCOO ang pag-seset ng good example sa mga tao.

“Ang mandato ng PCOO ay magpalaganap ng magandang portrayal at imahe ng kababaihan sa taumbayan through advertisements. At alam namin na we are accountable sa lahat ng pinopost namin lalo na sa aming mga opisyal,” sabi ni Asec. Banaag.

Sa dating report ng KAMI, inamin ni Pangulong Duterte na “nasobrahan” na si Asec. Uson ngunit wala raw siyang magagawa dito dahil ito ay nakapaloob sa freedom of speech ng assistant secretary.

POPULAR: Read more about Mocha Uson here!

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel