Pangulong Duterte, minadali ang bisita sa Jordan para makauwi kagad ng Pinas

Pangulong Duterte, minadali ang bisita sa Jordan para makauwi kagad ng Pinas

- Ayon kay Special Assistant Bong Go ay dadating si Pangulong Duterte mula Jordan sa Sabado imbes na sa Linggo ng umaga

- Naging makasaysayan din ang pagbisita at pagkikita ni Pangulong Duterte at King Abdullah II ng Jordan

- Ibibigay na rin ng Jordan ang ipinangakong helicopter sa Pilipinas sa 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo ni Special Assistant Bong Go na dadating si Pangulong Duterte sa Davao ngayong Sabado ng umaga imbes na sa Linggo na base sa schedule niya.

Ngunit hindi naman nagcancel ng kahit anong meeting o event ang Pangulo. Nalaman din ng KAMI na may mga balita ring nagsabi na ang biglaang pag-uwi ng Pangulo ay posibleng dahil sa kontrobersiyang kasangkot si Senador Trillanes.

Kahit na maraming isyu ang nangyari kamakailan, naging makasaysayan pa rin ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Jordan. Nagkita na rin sila ni King Abdullah II sa Royal Palace.

Nilagdaan na rin ang limang deal sa pagitan ng Pilipinas at Jordan. Ang mga ito ay tungkol sa mga overseas Filipino workers (OFW), trade, defense, foreign affairs at sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang report naman ng Rappler, ikinumpirma na ang pagbibigay ng Jordan sa Pinas ng dalawang secondhand na attack helicopters sa susunod na taon. Sinabi rin ng Pangulo na handa siyang magpadala ng mga batalyon sa Jordan para labanan ang mga Islamic State (ISIS)

Ayon sa Presidente, “If there's anything we can do, if you are short of your army let me know. 110 million you need one battalion?"

“Two, 3, 4, 5 (battalions) I will send them to you. I will commit my government in the right side of history,” sabi rin ng Pangulo.

Sa dating report ng KAMI ay naging makasaysayan rin ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel. Ilang business deals din ang nilagdaan na magiging malaking tulong sa mga Pilipino. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang trip ay lumabas naman ang issue tungkol sa pagpapa-aresto niya kay Sen. Trillanes.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel