Kris Aquino, gumastos ng husto para sa masungkit ang role sa Crazy Rich Asians

Kris Aquino, gumastos ng husto para sa masungkit ang role sa Crazy Rich Asians

- Marami ang nagtatanong paano ba nasungkit ng Queen of All Media ang prestihiyosong role sa blockbuster Hollywood all-Asian film

- Sa isang panayam ay binahagi ni Kris Aquino kung paano nya nakuha ang karakter ni Princess Intan para sa Crazy Rich Asians

- At maloloka at malulula kayo sa gastos at mga tao na involved sa naturang audition piece, isang production team ang nagtrabaho sa kanya at nagbooked ng luxury suite sa The Peninsula Manila

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na una namin naispatan sa Preview online, noong early part ng April 2017 ay nagkaroon umano ng phone conversation ang Queen of All Media Kris Aquino at ang editor-in-chief ng Philippine Entertainment Portal o Pep.ph.

Dito raw nireveal ni Kris kung paano dumating sa tamang panahon ang Hollywood stint nya sa movie para sa Crazy Rich Asians.

Ayon pa sa nalaman ng KAMI, isinalaysay ni Kris na isa raw iyong "cold call."

Ani pa ni Kris:

"They didn’t know me. They knew the last name, but they didn’t know anything. They didn’t know my body of work, so pinadala, and then I auditioned. Talagang parang manna from heaven yung biglang dumating… Ang galing ni God!”

Inilala ng Queen of All Media kung paano nya naisagawa ang audition phase.

Saad pa nya:

"They sent a script, and you have to act it out. So, pina-production design ko para magmukhang authentic talaga."

Ang ibig nyang sabihin na "authentic" ay ang pag-load up ng magagara at magagarbong mga bagay at lugar para makabuo ng tunay na production set para sa nasabing audition.

Sa katunayan na nga ay pina-production design pa nya ang nasabing audition piece.

Bukod pa rito, nagbooked sya ng isang luxury suite sa The Peninsula Manila at ginawa nyang sariling "vision" ng isang "rich Singaporean woman's digs."

Pero ang una daw ay nag-organized muna sya ng A-team ng mga house stylists, technical consultatns, beauty stylists, at marami pang iba.

Bonggang production talaga ang ginawa ng Queen of All Media para masungkit ang role ni Princess Intan sa Crazy Rich Asians.

Pagbahagi pa umano ni Kris:

"There were 20 people who worked on that audition with me!"

Buong araw daw ng March 25, 2017, Sabaod, ay pina-ayos na nya ang suite na binooked nya at ang pag-ayos rin sa kanya.

Dagdag pa ni Kris:

“Lahat ng mga Hermés na plato ko at tea set, ginamit! As in, couture ang sinuot ko talaga.Then, my online team did the Kris bio in video format, kasi they needed it for TV, with voiceover. Because they need to know who you are, hindi naman nila ako kilala dun. I explained, 'Eto yung achievements ko.' As in, parang AVP presentation talaga na, ‘This is Kris.’”

Kung sino ang nakapanood ng pelikula, masasabi mo talagang it was all worth it dahil napakabongga naman talaga ng pag-arrive ni Kris sa simbahan at talagang prinsesang prinsesa sya sa pelikula.

At kamakailan lang isang netizen daw ang nagbulgar sa diumano'y talent fee ni Queen of All Media sa pelikula, na binalita rin namin dito kamakailan lang.

Kung totoo man iyon ay mas waging wagi si Kris sa nagastos nya para sa audition piece.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Angeline Quinto, sinasama ang kanyang Mama Bob sa taping upang maalagaan

Angeline Quinto, sinasama ang kanyang Mama Bob sa taping upang maalagaan

Angeline Quinto, sinasama ang kanyang Mama Bob sa taping upang maalagaan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel