Tom Rodriguez, ipinagtanggol si Lovi Poe sa isang fan ng TomCar na ayaw daw sa aktres

Tom Rodriguez, ipinagtanggol si Lovi Poe sa isang fan ng TomCar na ayaw daw sa aktres

-Ipinagtanggol ni Tom Rodriguez si Lovi Poe sa isang netizen na nagsabing ayaw nito sa aktres bilang leading lady ni Tom

-Sabi pa ng netizen, halata daw na may gusto si Lovi kay Tom na agad namang nilinaw ni Tom at sinabing kaibigan nila ni Carla ang kanilang mga nakakatrabaho

-Magalang na nakiusap si Tom sa netizen na agad din namang humingi ng sorry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagtanggol ni Tom Rodriguez si Lovi Poe sa isang netizen na nagsabing ayaw nito sa aktres na makatrabaho ni Tom dahil halata daw na may gusto ito sa aktor.

Nagpost kasi si Tom sa kanyang Instagram account tungkol sa kanilang guesting ni Lovi sa programang 'Dear Uge' sa GMA.

Tom Rodriguez, ipinagtanggol si Lovi Poe sa isang netizen na tagahanga ng TomCar

Photo source: Instagram

Magalang na nakiusap si Tom sa netizen na 'wag i-bash si Lovi dahil kaibigan nila ni Carla ito. Nilinaw din ni Tom na kaibigan nila ni Carla ang kanilang mga nakakatrabaho.

"Please let us refrain from flaming or bashing other artists. We are all friends and are all just doing our jobs.

"I understand po that many people want to see Carla and I paired up together lagi, maging ako miss na miss ko siyang katrabaho, but there must be a way to advocate for that without purposefully hurting other people that are just doing work.

"#trabaholangpo #goodvibeslang."ayon kay Tom.

Agad namang humingi ng sorry ang netizen at sinabing hindi siya nangba-bash at gusto lamang na ipahayag ang kanyang nasa kalooban. Isa pala kasi itong taga-hanga ng TomCar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi pa ng netizen, lahat daw ng naginkapareha ni Tom ay pinanood niya maliban kay Lovi.

Tinanggap naman ni Tom ang paghingi nito ng paumanhin.

Sagot ni Tom, "Wala pong problema at salamat sa paghanga sa amin ni Carla.

"Ang sa amin lang, mga kaibigan namin ang halos lahat ng mga nakakatrabaho namin at ayaw lang din namin na may umatake sa kanila na mga humahanga sa amin.

"Salamat po sa suporta, God bless."

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakaiyak! Hashtags pay tribute to Franco Hernandez on his 1st death anniversary

Nakakaiyak! Hashtags pay tribute to Franco Hernandez on his 1st death anniversary

Nakakaiyak! Hashtags pay tribute to Franco Hernandez on his 1st death anniversary
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel