Pagkatapos umamin ni Kathryn sa kanilang first real kiss, Daniel kinabahan

Pagkatapos umamin ni Kathryn sa kanilang first real kiss, Daniel kinabahan

-Umamin si Daniel Padilla tungkol sa kanilang first 'real' kiss ni Kathryn Bernardo

-Nauna na kasing umamin si Kathryn sa programang 'Tonight with Boy Abunda' kung paano nangyari ang kanilang first kiss

-Nagbiro naman si Daniel na si Kathryn ang nag-initiate ng kiss

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila ninerbyos si Daniel Padilla ng tanungin muli siya tungkol sa nauna ng inamin ng ka-love team na si Kathryn Bernardo.

Ito'y tungkol sa kanilang first 'real' kiss.

“Nerbyos!” sabi pa nito ng simulang magtanong ni Boy Abunda. Sa hiwalay na interview kasi kay Kathryn, inamin nito kung paano naganap ang 'quick' first kiss nila.

Ayon sa young actress, nangyari daw ito sa mismong likod lang ng mommy nito.

Awkward na napatingin na lang si Daniel sa gawi ng camera tsaka binati ang mommy ni Kat.

“Ngayon lang niya alam na pinag-usapan natin,” paliwanag pa ni Kat.

Nagbiro pa si Daniel na si Kat daw nag-initiate na 'quick' kiss na yun.

“Tita Min, siya ‘yun ha! Hindi ako!” sabay tawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

After nito, naging seryoso na muli ang topic ng mapag-usapan ang kanilang long time relationship together.

“Maraming pagkakataon na puwede naman nang tumigil, pero we chose na, ‘Hindi, ituloy natin ito, at ipakita natin sa kanila na magkasama tayo.’ Walang makakapigil. In this industry, maraming pagkakataon na puwede kaming paghiwalayin, pero we just show them na kaya namin ‘to,” sagot ni Daniel.

Sinabi din ng dalawa na handa na silang gumawa ng movie na hindi magkasama pagkatapos pumatok ng kanilang latest movie.

“Para sa growth naming pareho, darating ka sa point na kailangan niyo muna maghiwalay. Ayoko maging selfish na, ‘Hindi, dapart partner ko lang si DJ,’ kasi maraming naghihintay na magagandang projects for him. Darating at darating na babalik pa rin kami sa isa’t-isa — iyon na lang ang iniisip ko.” ayon kay Kathryn.

“It’s going to be different, pero I think we both need this also. Maganda siya para sa amin. It’s really normal.” dagdag pa ni Daniel.

POPULAR: Read more news about Daniel Padilla here!

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik

Jade, napahiya sa paggamit ng credit card ni Ace sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel