Pinay OFW, mag-isang tinataguyod ang mga anak at asawang na-stroke

Pinay OFW, mag-isang tinataguyod ang mga anak at asawang na-stroke

- Proud ang OFW na si Marnille Murillo Rodriguez dahil napagtapos na niya ana gisa sa dalawang anak niya

- Mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang pamilya dahil sa na-stroke na ang asawa niya

- Nagbigay din siya ng payo sa mga OFW na nagnanais din nakipagsapalaran abroad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di man mahilig magpost sa social media, ngunit di mapigilan ng OFW na si Marnille Murillo Rodriguez na ibahagi ang natamo ng anak na siyang produkto ng kanyang pagsasakripisyo abroad.

Mag-isang tinataguyod ni Marnille ang kanyang pamilya. Na-stroke ang mister niya kaya di na ito makatulong sa paghahanapbuhay kay Marnille.

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang 40 anyos na OFW dahil nakatapos na ang kanyang panganay habang kaunting panahon na lamang ay makakatapos na rin ang isa pa niyang nak na nasa high school na.

Sulit daw ang lahat ng sakripisyo niya sa 5 bansang nalibot niya sa pagiging Overseas Filipino worker.

Sinuwerte rin daw kasi si Marnille dahil mababait at maayos ang mga naging employer niya. Malaking bagay ito para sa mga kagaya ni Marnille upang makatagal sila sa trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman at mabigat sa loob niya ang bawat pag-alis niya sa bansa, tinitiis na lamang niya ito para sa ikagiginhawa ng kanyang pamilya. Katunayan, 8 taon na siyang di nakakapagpasko at bagong taon dito sa bansa.

Payo niya sa mga kapwa niya OFW, "Dapat magpursigi sa pangarap sabayan nang dasal at tibay nang loob labanan Ang homesick isipin Ang kinabukasan nang pamilya para sa ikaunlad nang buhay"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel