VP Leni Robredo, binatikos matapos manawagan sa gobyerno tungkol sa inflation

VP Leni Robredo, binatikos matapos manawagan sa gobyerno tungkol sa inflation

- Hinaing ni Leni Robredo na maaksyunan ng administrasyon ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin

- Nabanggit din niya ang isyu kay Sen. Trillanes

- Nagalit naman ang mga netizens sa kanya dahil sa kanyang pahayag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang pahayag, nanawagan si bise presidente Leni Robredo sa gobyerno na huwag ipasawalang bahala ang patuloy na pagtaas ng inflation sa mga bilihin at serbisyo.

Aniya, “Nananawagan tayo sa gobyerno na itigil ang pagmamaliit sa epekto ng inflation, at sabihing isa ito sa mga tanda ng paglago ng ekonomiya,”

“Ang presyo ng mga pagkain at inumin ang pinaka-nagtaas at ang mga ito ang pangunahing pinagkakagastusan ng bawat pamilya.”

Nalaman ng KAMI na sinabi rin ni Robredo na hindi lang dapat puro ‘salita’ ang naibibigay sa mga hinaing ng mga Pilipino kundi ‘aksyon na epektibo’.

In-encourage rin niya ang mga tao sa administrasyon na gamitin ang pagkakataong ito para mapatunayan ang kanilang mga sarili.

“Sa halip na patahimikin ang mga taong pumupuna ng mga pagkukulang nila, gamitin sana itong pagkakataon ng administrasyon na patunayang kaya nilang pababain ang presyo ng mga bilihin,”

Subalit, kahit na maganda ang hinaing ni Robredo ay binatikos pa rin siya ng mga netizens dahil na-singit niya pa ang issue tungkol kay Trillanes.

Aniya, “Lugi ang taumbayan kung lulustayin lamang ang kapangyarihan sa mga hakbang na nagdudulot ng pagkakawatak-watak, tulad ng pagwalang-bisa sa amnestiya ni Senador Trillanes, kaysa gamitin ito para magpatupad ng mga totoong solusyon,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Heto naman ang naging reaction ng mga netizens sa comments section ng Facebook page ng CNN Philippines:

“Inflation ung concern mo VP pero siningit mo si Trililing.. pambihira!!!.. kung tumulong ka kaya hndi ung puro ka dada.”

“Hindi ba part ng government c Leni Robredo? Kaninong gobyerno cya nananawagan?”

“Nananawagan sa gobyerno? E taga gobyerno ka diba? Juicecolored!!!”

“Duh! Solution madame! What is your solution to the problem? I can only hear your complains and not the solution!”

“Puro panawagan si leni, bakit hindi sya mag suggest pano bumaba ang bilihin. Bilang bise alam mo dpat yan.”

Sa nakaraang post ng KAMI, inanunsyo ang 6.4% inflation rate sa mga bilihin at serbisyo. Tila sobrang apektado naman ang lahat sa dagdag presyo na nagaganap.

POPULAR: Read more about Leni Robredo here!

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel