Trillanes, sinabihang ‘parang bata’ at ‘petty’ si Robin Padilla

Trillanes, sinabihang ‘parang bata’ at ‘petty’ si Robin Padilla

- Ayon kay Sen. Trillanes, ‘parang bata’ raw si Robin Padilla

- Giit naman ni Padilla, huwag siyang magtago sa loob ng senado

- Hanggang sa ngayon, nasa custody pa rin ng senado si Trillanes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang samu’t saring batikos ng aktor na si Robin Padilla sa diumano’y ‘pagtatago’ ni Sen. Antonio Trillanes sa Senado, sinagot na siya ng senador.

Ayon kay Trillanes, “Parang bata. It’s too petty,”

“We’re dealing with national problems here tapos you have immature people like that,”

“Sobra-sobra na ‘yung quota niyang attention for the day,” dagdag niya pa.

“You grow up. Pag mature na siya, then he can talk to me, I’ll give him my full attention,” bira naman ng senador.

Nalaman ng KAMI na hinamon ni Padilla ang senador na humarap sa korte, aniya, “Ako may trabaho din ako, di ako makapagtrabaho eh kasi gusto ko makita ‘yung katapangan mo (Trillanes) na haharapin mo ‘yung kaso sa iyo,”

“Humarap ka naman sa totoong korte,” dagdag pa ng aktor.

Sa isa namang Facebook live ni Padilla, sabi niya, “Senador ka pero nagtatago ka. Nakikipagtaguan ka sa batas, eh parang bata ka nga,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ikalawang araw na ngayon ni Sen. Trillanes sa kustodiya ng Senado matapos siyang baiwan ng amnestiya ni Pangulong Duterte.

Sa nakaraang post ng KAMI, nasabing pumunta pa mismo si Padilla sa labas ng Senado para hintayin ang warrant of arrest at makita ang sitwasyon ni Trillanes. Nakipag-picture pa ang aktor sa mga pulis at guards doon.

Isa si Padilla sa walang sawang sumusuporta kay Pangulong Duterte. Noong 2016, binigyan siyang absolute pardon ng presidente matapos ma-convict dahil sa ilegal na pagmamaya-ari ng mga baril noong 2014.

POPULAR: Read more about Trillanes here!

In a unique experiment, Sam from the Philippines tried to lose weight by doing different exercises each week. We think it’s fascinating and useful content for all those people who are struggling to lose the unwanted pounds. We decided to make a short recap of Sam’s fitness transformation here – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel