Worth it ang pagsisikap! Zanjoe Marudo, proud na ipinasilip ang pinaghirapang rest house sa Batangas

Worth it ang pagsisikap! Zanjoe Marudo, proud na ipinasilip ang pinaghirapang rest house sa Batangas

- Ipinakita sa publiko ni Zanjoe Marudo ang kaniyang rest house sa Batangas

- Sinabi ng aktor na nagsimula na ang konstruksyon nito noong summer at malapit na itong matapos

- Simple ngunit moderno daw ang magiging hitsura ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isinapubliko ng aktor na si Zanjoe Marudo ang bunga ng kaniyang matagal nang pinaghirapan na rest house sa hometown nito sa Batangas.

Nalaman ng KAMI na bagama’t hindi pa tapos ang konstrukyon ng nasabing bahay, ipinakita na ito ni Zanjoe gamit ang kaniyang social media account.

Sa kaniyang post, mapapansin na may dalawang palapag ang rest house at may magandang view din ito ng mga sariwang tanim.

Pahayag ni Zanjoe, pinili niya na wag magtayo ng bahay sa gitna ng komunidad at maghanap ng mas tahimik na lugar upang magsilbing bakasyunan.

"Matagal na matagal ko nang gustong gawin yun kasi every time umuuwi ako, wala akong ma-stay-an na place dun sa amin,” giit niya sa isang panayam ng PEP.ph.

"Meron naman kaso nandun siya sa community. E, ang gusto ko lang yung tahimik lang na lugar, tahimik na nature,” dagdag pa ng aktor.

Kwento ng Playhouse star, sampung taon na ang nakalilipas nang mabili niya ang lupang kinatitirikan ng kaniyang bagong bahay.

Ngunit inamin nito na ngayong summer lang nakapag-umpisa ng konstruksyon at sinabing malapit na itong matapos.

“May lupa kasi akong nabili dati, way back pa mga 10 years ago dun sa probinsya namin, kung saan talaga ako pinanganak, kung saan ako lumaki,” sabi niya.

"Finally, last Summer, nag-start na siya ng construction dahil ano siya, e, manggahan. So tinayo ko siya sa pinakagitna sa likod. Nag-start na siya, malapit na rin matapos,” paliwanag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kapag natapos na ang tinatayong rest house, aasahan daw na isang simple ngunit modernong bahay ang maipapakita ni Zanjoe sa publiko.

Ibinunyag din ng aktor na sila lang ng kaniyang architect ang nag-isip ng layout pati na rin ang magiging interior design nito.

"Medyo ano modern siya, modern yung ginawa ko kasi nga nasa bundok na siya, e, nasa bukid na siya so mukha siyang probinsya,” sabi pa niya.

"Hindi siya complicated, napaka-simple lang ng layout. As in isang tingin mo lang... kahit sang side ka pumunta, kita mo na at alam mo na kung ano itsura nung bahay," dagdag ng aktor.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naispatan ang Kapamilya celebrity habang nagvi-videoke kasama si Bea Alonzo.

Isinilang noong July 23, 1982, kilala si Zanjoe bilang isang aktor at model. Mas lalo siyang nakilala ng publiko nang tanghalin na 4th Big Placer sa Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother noong 2006.

POPULAR: Read more news about Zanjoe Marudo!

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel