Deboto sa Quiapo, nagawa pang magsimba at humingi ng tawad bago mangholdap

Deboto sa Quiapo, nagawa pang magsimba at humingi ng tawad bago mangholdap

- Huli ang isang part-time waiter sa panghoholdap ng milk tea shop sa Sampaloc, Manila

- Bago magawa ang krimen, nagawa pa nitong magsimba sa Quiapo at humingi ng tawad sa kasalanan

- Dala lamang daw ng kahirapan kaya niya nagawa ang naturang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasakote na agad ng mga pulis ang isang lalaking nangholdap ng milk tea shop sa Sampaloc, Manila.

Nalaman ng KAMI na agad nakatawag ng tulong ang kahera na tinutukan di umano ng suspek ng laruang baril.

Nakuha ng lalaki ang halagang ₱33,000 na agad namang nabawi sa tulong ng kinauukulan.

Ayon sa suspek, di naman daw siya holdaper. Nagawa lamang daw niya ito dahil sa kahirapan at may sakit pa ang 4 na taong gulang niyang anak.

Katunayan, wala pang record ng anumang krimen ang lalaki at ito ang kauna-unahang beses niya na mang-holdap.

Marahil dala ng sobrang takot, nagawa pang magsimba ng suspek sa Quiapo bago niya gawin ang panghoholdap. Humingi na nga raw agad siya ng tawag sa krimen na gagawin.

Gayunpaman, haharap sa kasong robbery ang suspek na taga-Caloocan pa pala.

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel