Barbie Imperial pinatawad na umano si Paul Salas kahit hindi daw nagsorry

Barbie Imperial pinatawad na umano si Paul Salas kahit hindi daw nagsorry

- Sa isang panayam ng entertainment press ay binahagi nya umano na para sa kanyang sarili ang pahayag niya na napatawad daw nya ang ex-boyfriend na si Paul Salas

- Ito ay diumano dahil hindi pa raw naman humihingi ng tawad sa kanya ang ngayon ay Kapuso aktor na

- Paliwanag pa umano ng 20-year-old Araw Gabi star, mahirap daw kasing magpatawad ng isang tao na hinding hindi naman humingi ng sorry

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na nasagap namin sa PEP, nagbigay ng pahayag ang 20-year-old Araw Gabi aktres na si Barbie Imperial ng Kapamilya na kahit hindi pa naman daw humingi ng sorry ang ex-boyfriend nyang si Paul Salas ay pinatawad na raw nya ito.

Ang rason nya ay para na rin daw ito sa kanyang sarili pero inamin naman niya mahirap daw ang magpatawad sa isang tao hinding hindi naman daw humingi ng sorry, ayon pa sa nalaman ng KAMI.

Ani ni Barbie

“Mahirap kasing magpatawad ng isang tao na never na humingi ng sorry. Sa sarili ko na lang, pinatawad ko na lang siya."

Dugtong pa nya:

“Kasi mas madali din yun para sa akin para maging mas okay na ako, maka-move on ako, at maging happy ako sa life ko.Tapos na yun kaya, para sa akin, move on na lang.”

Bahagi naman daw ng aktres na pinatabay na raw sya ng buhay dahil iniwan umano sila ng ama nya noon.

Saad pa daw ni Barbie Imperial:

“Sa akin din naman, kung hindi para sa akin, okay lang."
"Yung mindset ko kasi, e, yung dad ko nga before, iniwan kami.Parang sa akin, kung iniwan kami ng dad ko at nakaya ko nung lumaki ako, at napatawad ko siya, bakit ang ibang tao hindi ko kakayanin na iwan nila ako at patawarin sila?”

Hindi pa naman nagbigay ng pahayag ang dating boyfriend ng aktres tungkol dito.

Si Barbie Imperial ay ang leading lady ni JM De Guzman sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi sa Kapamilya network na hitik na hitik naman sa ratings.

POPULAR: Read more news about Barbie Imperial here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel