"Most powerful typhoon!" Matindi ang pananalasa ng "powerful typhoon" sa Japan

"Most powerful typhoon!" Matindi ang pananalasa ng "powerful typhoon" sa Japan

- Isang napakalakas na bagyo ang tumama sa bansang Japan kamakailan lang at nag-iwan ng malaking pinsala

- Tinawag na nga nila ang bagyo na "powerful typhoon" na pumatay ng 10 ka tao sa western part ng bansa

- Sa sobrang tindi ng pinsala, isang airport company ang nag-umpisang maglipat ng kanilang mga stranded na pasahero na umaabot sa tatlong libo mula sa binahang aiport gamit ang bangka

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na una naming nalaman sa Facebook page ng Manila Bulletin, sinabi daw ng gobyerno ng Japan noong Miyerkules, na ang malakas na bagyo ay kumitil ng sampung buhay sa kanlurang bahagi ng Japan.

Bukod pa rito, napag-alaman din ng KAMI na isang airport company ang nag-umpisa na maglipat ng kanilang stranded na pasahero na umaabot sa 3,000 katao sa binahang aiport gamit ang mga bangka.

Dagdag pa sa balita mahigit sa isang milyong bahay ang walang kuryente, resulta ng nanalasang bagyo.

Isang viral na larawan ang umiikot ngayon online na nagpapakita ng mga sasakyan na nagpatong patong sa Kobe, sa kanlurang bahagi ng Japan.

Sinira ng bagyong "Jebi" o "swallow" sa Korean, ang mga sasakyan

Ang bagyong ito raw ay sobrang lakas pero daglian lamang pero itinuring nila na "the most powerful storm" na tumama sa bansa sa loob ng 25 years.

Sinundan nito ang malakas na ulan, landslides o pagguho ng lupa, baha, at "record-breaking heat" na pumatay ng daan-daang mga tao sa summer, pagpapatuloy pa ng balita.

Mga tatlong libo raw na turista ang nanatili ng isang gabi sa Kansai aiport sa western Japan.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel