Nanay di napansin nalulunod na 1-yr-old na anak dahil sobrang busy sa cellphone

Nanay di napansin nalulunod na 1-yr-old na anak dahil sobrang busy sa cellphone

- Isang nanay ang nakatanggap ng batikos online dahil sa pagpapabaya sa 1-year-old niyang anak

- Habang busy sa phone, di man lang napansin na nasa ilalim na ng tubig ang bata at nag-aagaw buhay

- Tinawag ang pansin niya ng batang playmate sa pool pero iwinaksi niya ito at di pinansin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Galit ngayon ang mga tao sa isang inang nasobrahan sa paggamit ng cellphone, di na namalayang nalulunod na ang 1-year-old niyang anak.

Nakita ng KAMI ang video ng nasabing insidente. Noong una'y okay pa ang batang gumagamit ng kanyang floating device pero tumaob ito at nahulog siya sa tubig.

Ang nanay, di man lang lumingon upang siguraduhin kahit saglit na okay ang baby niya.

Yung kalaro ng baby sa pool na isa ring bata ang makikitang nag-effort gumawa ng paraan upang mailigtas ang baby.

Tinry pa niyang lagyan ng floating device, pero wala rin siyang magagawa.

Tinawag niya ang atensyon ng ina pero iwinaksi ng ina ang kanyang pagsusumamo at inatupag lang ang cellphone.

Huli na nang makita niya ang anak na lumulutang sa pool. Nadala nga nila sa ospital pero hanggang ngayon, isang buwan na ang nakalipas, comatose ang isang taong gulang na bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakakahinga lamang siya sa tulong ng breathing apparatus.

Ang kaganapang ito ay nangyari sa China at ayon sa Mirror, kaarawan daw ng paslit nang mangyari ang insidente.

Nawa'y magsilbing aral ito sa lahat ng magulang na kapag maliit pa ang bata, pagtuunan ito ng atensyon.

Tama na muna ang kate-text dahil minsan buhay ang nagiging kapalit ng isang pagkakamali.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel