Havey na havey! Didal, naging konduktor ng Gilas Pilipinas

Havey na havey! Didal, naging konduktor ng Gilas Pilipinas

- Tampok sa isang Facebook video ang pagiging kondukto ni Margielyn Didal

- Nagbigay kasiyahan ang paandar ni Didal sa lahat ng tao sa bus

- Niloko pa ni Didal ang basketball player na si Norwood na bumaba matapos sabihing wala siyang bus ticket

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang bus, kasama ni Margielyn Didal ang Philippine national team na Gilas Pilipinas maging ang coach nito na si Yeng Guiao.

Ayon sa isang Facebook video, naging sentro ng kasiyahan si Didal nang tumayo bilang konduktor ng bus.

Ginaya ni Didal ang paraan ng pagsabi ng mga konduktor ng, “Oh Cubao, Cubao!”

Tinanong ni Coach Guiao sa skateboard champion kung saan niya gagamitin ang P6 million na reward mula sa Asian Games 2018. Sagot ni Didal, “Ipapatayo po ng bahay samin,”

“Tapos magkokonduktor po ako, part-time job,” dagdag ni Didal na nagresulta sa tawanan ng lahat sa bus.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinanong din ni Didal ang basketball player na Gabe Norwood kung may bus ticket siya. Walang naipakita si Norwood kaya naman sinabihan siyang “Baba!” ni Didal.

Walang humpay ang tawanan na dulot ni Didal.

Sa nakaraang post ng KAMI, kitang kita rin na nag-eenjoy si Didal bilang flag bearer ng Pilipinas noong closing ceremonies ng Asian Games 2018. Si Didal ang nagbigay ng pang-apat na gintong medalya para sa Pinas.

POPULAR: Read more about Gilas Pilipinas here!

Today we are going to ask Tagalog strangers some very funny tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What do you think came first, the egg or the chicken? Can you cry under water? These questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel