Bet na bet ni StarStruck winner Klea Pineda ang korona ng Miss Universe

Bet na bet ni StarStruck winner Klea Pineda ang korona ng Miss Universe

- Peg umano ni Klea Pineda ang StarStruck 6 Female Ultimate Survivor ang korona ng Miss Universe Philippines

- Noon pa raw ito sinasabi ng Kapuso aktres na gusto nyang sumali sa Binibining Pilipinas at target nya na masungkit ang nasabing korona

- At inaksyon na pala nya ito, dahil ayon pa sa ulat, nakipagmeeting na raw ang GMA-7 artist sa mga taga-Binibining Pilipinas

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na hatid ng PEP, gustong gusto pala ng Kapuso star na si Klea Pineda ang nanalo na Female Ultimate Survivor sa StarStruck 6 na masungkit ang korona ng Miss Universe Philippines.

Napag-alaman pa ng KAMI, na dati na raw itong pinahayag ni Klea, at tila inaksyunan na nga nya dahil nakipagmeeting na raw ito sa mga namumuno ng Binibining Pilipinas, saad pa sa balita.

Sa presscon ng bagong Kapuso drama series na 'Ikaw-5 Utost' noong September 3, ay nagbigay ng pahayag si Klea Pineda tungkol dito.

Ani pa umano ni Klea:

“Gusto ko po talaga sumali sa Miss Universe. Kapag sumali po ako sa Binibini, gusto ko po talaga yung sa Ms. Universe."

Aminado naman ang Kapuso aktres na ngayong 19 years old pa lang sya ay marami daw syang dapat matutunana.

Kaya ang gusto nya daw ngayon ay magsimula na sa training para sa nasabing beauty pageant.

“Kaya nga po isa rin yun sa reasons kung bakit gusto ko, 21 or 22 years old ako sasali na ganung age. Kasi sa ngayon, wala pang masyadong life experience na pumapasok sa akin. Hindi pa po talaga ako nag-mature sa mga nangyayari sa life ko. Gusto ko ganung age po."

Dagdag na pag-amin ng dalaga na gusto raw kasi nyang sundan ang yapak ni Pia Wurtzbach nang nanalo sa Miss Universe 2015.

Ginagawa nya itong inspirasyon na kahit ilang beses pang sumali basta lang masungkit ang pinapangarap na korona.

“Si Pia po kasi parang ipinakita niya po talaga sa Universe na deserved niya yung crown, na tama yung title sa kanya. Saka kahit apat, tatlo o dalawang beses ako sasali, okay lang po sa akin, basta makuha ko lang po ang title,” nakangiting pahayag ni Klea."

Todo react din ang mga netizens tungkol dito.

"5'9 yung height tapos maganda at Morena, posible talaga yan"
"Go for the win.....klea pineda"
"Wow pang ms u talaga beaty ni Klea..hopefully and praying for her"
"Pinay Beauty.. Maganda talaga Si Klea in Person Ang Bait Pa"

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel