Sweet! 7 Long-time Filipino celebs na papaniwalain ka sa salitang true love

Sweet! 7 Long-time Filipino celebs na papaniwalain ka sa salitang true love

Sila lang naman ang iilan sa pinakilala, pinakasikat, pinakahinahangaan na mga long-time showbiz couples na pinatunayan na through thick and think, magwawagi at magwawaging tunay ang true love.

Ika pa nga ng cosmo.ph, sila ay hashtag relationship goals!

At ang KAMI ay naniniwala at sumusuporta sa tunay at wagas na pag-ibig at pag-iibigan.

Kaya naman narito ang pitong long-time Pinoy celebrities na papaniwalain tayo sa true love.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Richard Gomez at Lucy Torres

Isa sa pinakahinahangaan at kinaiinggitan na celebrity couples sa showbiz dahil nga naman nagsama ang maganda at gwapo.

Tunay na pinagmamalaki sa isa sa mga pinakamamahal na kuwento ng pag-ibig magpakailanman.

Nag-umpisa lang naman ang kanilang love story sa isang Lux commercial, kung saan crush na crush ng 18-year-old na si Lucy Torres ang walang kaalam-alam na leading man nya sa nasabing ad na si Richard Gomez.

Ayon pa sa fashon magazine site, ang kanilang ligawan ay talaga namang "old-school," simula sa mga poetries, love letters, at long-distance phone calls.

2. Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Mahigit na pala sa 15 years na nagsasama ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales na ang pagmamahalan ay nag-umpisa sa

Bagaman nagkita na sila noong 16 years old pa lang si Aga at 11 years old naman si Charlene, ang kanilang romantic affair ay sumibol o namulaklak ilang years pa pagkatapos.

Nangyari ito sa isang Kapamilya TV sitcom ang Oki Doki Dok.

Para lalo kayong kiligin sa kanilang love story, hindi na sila dumaan pa sa boyfriend-girlfriend stage at dumiretso na sa engagement.

3. Paul Soriano at Toni Gonzaga

Wala ng mas romantic pa sa isang taong nangako na maghihintay sayo, at talaga namang tinotoo at pinanindigan.

Toni Gonzaga has always been open sa kanyang pagkadeboto na Christians na mga magulan na talaga naman grabeh ka protective sa kanya.

Sa katunayan hindi nila pinayagan si Paul at si Toni na magtravel together.

At bawal na bawal din si Paul Soriano na pumanhik sa 2nd floor ng bahay nila ni Toni.

Pero kahit anong higpit ng parents ni Toni at kahit gaano ka masunurin ang Ultimate Multimedia Superstar ay nagtiis, nagtiyaga, at naghintay si direk Paul.

Sa 8th anniversary nila, nagpakasal na ang dalawa sa isang "dreamy ceremony," at ngayon, ay masayang inaalagan together ang sikat na celebrity baby nila na si baby Seve.

4. Dingdong Dantes at Marian Rivera

Ika nga nila, ang totoong kahulugan ng "reel-to-real romance" ay ang DongYan.

Nagkakilala ang dalawa sa set ng Marimar noong 2007.

Dahil na rin daw sa sobrang intense ng kanilang chemistry ay hindi na nga nakakagulat na mahulog ang loob nila sa isa't isa noong ang mga camera ay hindi umiikot, ayon pa sa fashion magazine site.

Ngayon, ay patuloy pa rin silang nag-iinspire ng kanilang mga tagahanga sa kanilang matatag na pag-iibigan, at kasama na rito ay kanilang pretty baby Zia.

5. Drew Arellano at Iya Villani

Isang pambihirang bagay ang mga childhood sweethearts, at ito nga raw ang pag-iibigan ng mag-asawang Drew at Iya.

Patuloy pa rin nilang nilalabanan ang mga pagsubok at tibay ng kanilang relasyon na nagsimula pa lang noong Click days pa nila.

14 years after, sila ay proud parents ng dalawang mga anak dahil kamakailan lang ay nanganak si Iya ng kanilang pangalawang anak.

Fitness couple goals din sila!

6. Nico Bolzico at Solenn Heussaff

Wala namang kapantay ang kakulitan, kalokohan, kakwelahan ng mag-asawang Solenn at Nico na paminsan-minsan ay kaswal lang na nagpapakita ng kanilang mga skin at PDA sa social media pages nila.

Pero hindi makakaila na napamahal na ang dalawang ito dahil sa kanilang kakwelahan at napaka down-to-earth.

At talaga namang 100 percent na mas maganda pag ang magkarelasyon ay nagbabahagi ng parehong sense of humor.

Sino ba naman ang hindi makakalimuta sa famous hashtag caption ni Nico na #Wifezilla?!

7. Erwan Heussaff at Anne Curtis

Sino ba naman ang hindi namangha at natulala sa bonggang kasalana nila sa New Zealand na parang nasa pelikula lang nating nakikita.

Ang adventurous couple na ito ay tunay naman na nakakainspire dahil sa kanilang mga travels around the world.

At isa pa na nakakamangha din sa kanila ay mga small sweet little details ng kanilang suporta sa isa't isa, at higit sa lahat ang kanilang nakakawindang na #bulliedhusbandsclub, na kasama rin si Nico Bolzico.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel