Pangulong Duterte, overwhelmed at naging emosyonal sa kanyang pagbisita sa Israel

Pangulong Duterte, overwhelmed at naging emosyonal sa kanyang pagbisita sa Israel

- Naging emosyonal ang pangulo nang salubungin ng mga Filipino sa Israel

- Labis ang tuwa ni Pang. Duterte sa pagtanggap rin ng Israel sa mga Filipino

- Si Pang. Duterte ang unang Philippine leader na nakapunta sa Israel

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mainit na sinalubong ng daang daan na Filipino si Pangulong Duterte nang dumating ito sa Israel. Kaya naman hindi napigilan ng pangulo na maluha nang makita niyang suporta ng mga kababayang OFW sa kanya.

Napagalamanan ng KAMI sa PTV na ayon kay Duterte, “Alam mo bihirang-bihira ako umiiyak. Lalo na nung… I could remember maybe the times that I cried, when my father and mother died. But rare, very rare,”

“Ito lang ang bisita ko na maybe I will do it again, I really do not know. But this is the first time napaluha ako na nandito ako sa aking mga kababayan Pilipino,” dagdag pa ng pangulo.

Sinabi rin ng pangulo na baka kaya siya naging emosyonal dahil sa siya ay nasa “Holy Land”.

Si Duterte ang unang Philippine president na bumisita sa Israel. Nagbigay ng speech si Pangulong Duterte noong Linggo sa Ramada Hotel sa Jerusalem, Israel. Inilathala niya ang mga naging accomplishments niya sa kanyang termino at ang kanyang controversial na war on drugs.

Nagbigay pugay din siya sa Israel dahil sa kanilang pagtulong sa mga kapwa Filipino.

Aniya, “I would like to say thank you for hosting so many of my countrymen in the State of Israel and that I have to hear any problem that may come from any Filipino here.”

Nabanggit din ng presidente ang posibleng iba pang paraan para mapabuti ang buhay ng mga OFW sa Israel at ang relasyon ng dalawang bansa.

“One of the best places that we have to… and I don’t mind, isa sa pinakamagandang lugar na pwede mo talagang mapuntahan (one of the best places where you can go) and you are treated as a human being,” sabi ng pangulo.

“If it [is] not really a wrong proposal, pardon me, but if Israel would want, ipapadala ko ng lahat ng Pilipino dito kasi mas maganda ang buhay dito,” dagdag niya pa.

Dumating ang pangulo sa Israel noong Linggo ng gabi, Septyembre 2. Pupunta rin si Pang. Duterte sa Jordan sa Septyembre 5 hanggang 8 dahil sa imbitasyon ni His Majesty King Abdullah II.

POPULAR: Read more about President Duterte here!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Tagalog strangers some very funny tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What do you think came first, the egg or the chicken? Can you cry under water? These questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel