Neri Naig at Chito Miranda, nilibre ng buffet sa hotel ang kanilang driver

Neri Naig at Chito Miranda, nilibre ng buffet sa hotel ang kanilang driver

- Nagviral ang bagong post sa Instagram ni Neri Naig Miranda

- Makikita sa photo si Neri kasama ang asawa niyang si Chito Miranda at ang driver nilang si Mang Din

- Nilibre ng mag-asawa sa breakfast buffet sa isang hotel ang kanilang driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita ni Neri Naig Miranda sa social media kung gaano sila kabait ng asawang si Chito Miranda sa kanilang mga tauhan.

Nalaman ng KAMI na nilibre ng magasawa ang kanilang driver na si Mang Din sa breakfast buffet ng B Hotel sa may Alabang.

“Breakfast buffet sa @bhotelalabang. Wala si Miggy at pumipili pa ng food niya sa buffet, hahaha! Joke lang!

“We consider @bhotelalabang and @bellevuemanila as our home dito sa Alabang. Sobrang at home and narerelax kaming magpamilya. At malapit lang sa malls, hehe! Tamang tama for Miggy sa galaan.

“Say hello to Mang Din. Lolo Mang Din ang tawag ni Miggy sa kanya. More than a decade na si Mang Din sa akin at si Miggy naman ang inaalagaan niya. Mukhang marami silang pupuntahan ni Miggy, haha! Sa ngayon puro drive thru muna, hehe!

“Goooood morning, Alabang,” sinulat ni Neri.

Nagpost na rin noon si Neri kung paano niya inaalagaan ang kaniyang driver.

“Eto si Mang Din, family driver namin ng mahigit na sampung taon. Masungit lang, hehe! Pero inaalagaan kami lalong lalo na si Miggy. Tuwang tuwa naman ang anak ko sa kanya hehe! Siya si Lolo Mang Din ni Miggy.

“Kumpleto ng benefits at insurance si Mang Din. Lalo na at tumatanda na rin siya, para kapag mag retire na sya ay may makukuha siyang pension. Pero syempre di pa rin namin siya pababayaan kahit nagretire na siya,” paliwanag ni Neri.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nireport ng KAMI kamakailan na sinagot ni Neri ang netizen na nangbash sa itsura ng kaniyang anak na si Miggy.

Kinasal sina Chito Miranda at Neri Naig noong 2014, ang una ay isang civil wedding na ginanap noong December 13 at kinabukasan ay sinundan ng isang formal wedding sa Tagaytay.

Noong August 2015, nakunan si Neri na labis na ikinalungkot ng mag-asawa.

Ipinanganak ang panganay nilang si Alfonso "Miggy" noong November 23, 2016.

POPULAR: Read more news about Neri Naig Miranda!

Today we are going to ask Tagalog strangers some very funny tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What do you think came first, the egg or the chicken? Can you cry under water? These questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel