Coach Guiao, nagkomento ukol sa posibleng pagsali ni Greg Slaughter sa Gilas

Coach Guiao, nagkomento ukol sa posibleng pagsali ni Greg Slaughter sa Gilas

- Ayon kay kay Coach Guiao, hindi niya pa maisapubliko ang line-up para sa FIBA

- Hinihintay pa niya kung maihahabol ni Greg Slaughter ang mga papeles para mapabilang sa team

- Makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Iran sa Sept. 13

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon, hindi pa masabi ng Gilas Pilipinas coach na si Yeng Guiao ang lineup niya para sa FIBA World Cup qualifiers.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nagsimula kahapon ang training ng Gilas. Tila perfect attendance ang mga players sa kanilang first practice. Present sa court sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Christian Standhardinger, Raymond Almazan, Poy Erram, Paul Lee, Asi Taulava, Gabe Norwood, Beau Belga.

Nandoon din sina Japeth Aguilar, Matthew Wright, Ian Sangalang, Allein Maliksi at Greg Slaughter.

Hinihintay pa ni Coach Guiao kung makakahabol si Greg Slaughter sa pagsumite ng mga dokumento para sa kanyang citenzship bago i-anunsyo ang official 12-man lineup.

Aniya, “Kailangan ihabol pero ang makakapag-submit noon [ay] siya,”

“Siya magsa-submit noon, mga birth certificate niya, ‘yung passport niya,” dagdag pa ng coach.

Inaasikaso pa sa ngayon ang pagiging naturalized player ni Slaughter katulad nina Standhardinger at Pringle.

Ayon sa coach, “I don’t want to [preempt]. Kumbaga isasabay na namin ’yung announcement ng lineup pag na-determne na namin kung sino ’yung 12th slot.”

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Iran sa Septyembre 13 na gaganapin sa Tehran. Makakalaban din nila ang Qatar sa Septyembre 17.

POPULAR: Read more about Gilas Pilipinas here!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Tagalog strangers some very funny tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What do you think came first, the egg or the chicken? Can you cry under water? These questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel