Buntis, napaanak sa kasagsagan ng trafik sa Edsa

Buntis, napaanak sa kasagsagan ng trafik sa Edsa

- Sa tagal ng trafik sa Edsa, nailabas na ni Cheoui de Leon ang kanyang anak sa kanilang kotse

- Habang naipit sa trafik, nagli-labor na si Cheoui na hindi na nahintay pang makarating sa ospital

- Setyembre 23 pa sana ang inaasahang panganganak niya at sa kalagitanaan ng kanyang baby shower, nakaramdam siya ng kakaibang pananakit ng tiyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumagdag pa sa stress ng matinding trafik ang pagli-labor ni Cheoui de Leon na patungo na talaga sa ospital dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman.

Sa tulong ng kanyang fiance na Luis Bernabe, isang nusing graduate, nailabas ni Cheoui ang kanilang baby na pinangalangan nilang Sabrina Leaouis.

Setyembre 23 pa ang inaasahang due date ni Cheoui ngunit sa check up niya nang araw ding iyon, 2 centimeters na itong dilated.

"Akala ko sa movie lang ito nangyayari,"kwento ng 26 anyos na bagong ina sa ABS-CBN.

Nasa kalagitanaan siya ng kanyang baby shower nang maramdaman ang di maipaliwanag na sakit. Iyon pala, nagli-labor na siya.

"I have a high pain tolerance, but it started to really hurt," paliwanag ni Cheoui kaya naman di na siya nagdalawang isip na magpadala sa ospital.

Dali dali na siyang itinakbo sa Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital sa Quezon City at sinunod nila ang payo ng kanyang ama na tahakin na ang Edsa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, gaya ng inaasahan, usad pagong ang mga sasakyan dito. Walang magawa kundi mapakapit na lamang nang mahigpit si Cheoui sa sasakyan dahil sa labis na sakit na nararamdaman.

Dahil di naman sila lunan ng isang ambulansya, di sila pinadadaan ng ibang motorista kahit pa anong busina ng kanyang fiance' para lamang sana makarating na sila agad sa ospital.

Sa pagsampa ng sasakyan sa ospital, sabay din ng paglabas ng kanilang pangalawang baby.

Nang makarating sa ospital, gulat na gulat ang mga staff dito na agad naman silang inasikaso.

7:30 ng gabi nang ipinanganak ni Cheoui ang pangalawang baby nila na sabi ng mga netizens, sana raw ay "Epifania" o "Via" ang pinangalan dito dahil sa tinahak nito ang Edsa at pinanganak ito sa sasakyang Toyota Vios.

Katunayan, sa birth certificate ni Sabrina, nakalagay sa lugar ng kanyang kapanganakan ay "Toyota Vios".

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel