Melissa Ricks at Helga Krapf, at ang kanilang nakakainggit na 14-year friendship

Melissa Ricks at Helga Krapf, at ang kanilang nakakainggit na 14-year friendship

- Ang mga Kapamilya stars na sina Melissa Ricks at Helga Krapf ay mayroon pa lang magandang friendship ang dalawa

- Si Melissa Ricks ay 28 years old, at si Helga Krapf ay 30 years old na ngayon, pero nag-umpisa sila sa Star Circle Quest na mga nene pa noong 2004

- Pagkatapos ng 14 years, ang dalawang aktres ay parehong mga mommies na, na may mga pretty at cute mini-mes nila na pareho ang edad

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na nasagap namin sa PEP, ang pagkakaibigan nina Melissa Ricks at Helga Krapf ay tunay naman talagang kakainggit dahil mahigit isang dekada na ito.

Nag-umpisa noong mga nene pa sila, at ngayon, sila ang mga mommies na ng dalawang pretty at cute mini-mes nila, at ang nakakaaliw na parte na nalaman pa ng KAMI ay ang pareho ang edad ng kanilang mga anak.

Ang pangalan sa anak ni Melissa ay si Kiera, at ang kay Helga naman ay si Amelie.

BFF forever nga ang peg ng friendship nina Melissa at Helga, at ang napakacute sa lahat, magkumare pa sila.

Noong August 30, naispatan ang dalawang mommies sa opening ng ART For Everyone sa SM na tumitingin sa mga paintings.

Tinanong daw sila kung nagkokolekta ba sila ng mga paintings.

Ani daw ni Helga:

"Medyo lang. Ngayon pa lang ako nai-inspire. Hindi pa ako, wala pa ako masyadong art pieces kasi medyo magulo pa bahay ko."

Meron daw 6 paintings na si Helga na nakokolekta.

Dugtong pa ng celebrity mom:

"Konti pa lang...I buy what I like…Kasi sa iba, investment, di ba. So ako naman, I buy what I want for display sa bahay."

At si Melissa naman ay hindi bumili ng painting na tinitingnan nya dahil ayon pa sa kanya:

"Wala pa akong paglalagyan."

Magkaiba man raw ang kanilang taste sa paintings pero tinuturing nila ang isa't isa bilang "support system."

Ani pa ni Melissa:

"Ever since kaming dalawa, hindi pa kami nagkakaanak, nasa showbiz pa lang, nagsusuportahan na kami."

Sina Melissa Ricks at Helga Krapf ay nagmula sa 2004 Star Circle Quest ng Kapamilya network.

Si Helga nakapasok sa Top 50 habang si Melissa ay nakapasok sa Top 5 finalist.

Marami na rin silang mga TV series/shows at pelikula, at ilan dito ay magkasama silang dalawa.

Ngayon ay parehong mga misis at mommies ang dalawa.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel