"Haggard but happy," Iya Villania sa dalawang blessings ng buhay nila ni Drew

"Haggard but happy," Iya Villania sa dalawang blessings ng buhay nila ni Drew

- Sa pagiging mommy of 2 ni Iya Villania ay naging emosyonal ang TV host-actress dahil na rin sa halo-halong feelings

- Noong una, nagpahayag ng saloobin ang celebrity mom dahil na rin sa pagdating ng pangalawang anak nya

- Ngayon, isang bagong post ang binahagi ng Chika Minute anchor sa kanyang IG account ang pagiging haggard pero happy nya sa pagsusumikap na bigyan ng pansin ang dalawang anak

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi nga nila hindi madali ang papel ng isang nanay kahit isa lang yung baby mo ay mahirap daw talaga ang magpalaki.

Kaya naman relate na relate ang mga nanay kay Iya Villania, at kamakailan nga ay naispatan ng KAMI ang isang napakaheartwarming na mga litrato ng TV host-actress sa isang Instagram post nya.

At may nakakatouch na caption na:

"Me trying hard to make it work for the both of them #HaggardButHappy"

Makikita ang hitsura ni Iya na larawan ng isang uliran at mabuting ina na binibigyan ng panahon ang dalawang blessings nila ni Drew Arellano.

Kaya naman dumagsa rin ang sari-saring mga reaksyon mula sa kanyang followers at mga netizens, at ang iba pa ay nagbibigay ng words of encouragement sa celebrity mother of two.

"Kaya mo yan @iyavillania ako nga i have twins kinaya ko eh.. ikaw pa ba.."
"True! Its hard but seeing them both happy its worth it. Motherhood is real"
"The joy of being a mom are ur kids."
"hahaha.. sana ganyan din ako kaganda pag haggard"
"Hahaha hands on mama nakakapagod pero walang kapantay na saya sa pakiramdam walang katumbas ."
"relate! Yung feeling mo na ayaw mong may male-left out."

Kamakailan ay binalita namin ang tungkol sa pagka-emosyonal ni Iya dahil sa pag-iisip na hindi na nya mabigyan ng buong oras nya si Primo at ang pagnanais nyang bigyan ng mahahalagang oras ang dalawa.

Sina Drew Arellano at Iya Villania ay kinasal noong 2014, at winelcome nila ang una nilang baby na si Primo noong August 30, 2016.

Ngayon, isinilang nila ang kanilang pangalawang anak na si Alonzo Leon ilang araw bago ang 2nd year birthday ni Primo.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel