Residente ng Tondo, sinugod ang 'pabayang' mga magulang daw ng 5 batang nasawi sa sunog

Residente ng Tondo, sinugod ang 'pabayang' mga magulang daw ng 5 batang nasawi sa sunog

- Nagkagulo sa daan sa paghahatid sa huling hantungan ng limang batang nasawi sa sunog sa Tondo kamakailan

- Binahagi ng isang netizen kung paano sinugod ng ilang residente ang mga magulang ng mga bata dahil raw sa pagiging iresponsable ng mga ito

- Sinisi nila ang mga ito dahil sa pagkawala ng kanilang mga bahay at ari-arian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naihatid na sa huling hantungan ang mga batang nasawi sa Tondo fire noong nakaraang linggo.

Labis na naging kontrobersyal ang pagkamatay ng mga bata dahil sa pagkakakulong umano ng mga ito ng walang kasamang matanda sa loob ng kanilang bahay.

Sa naunang ulat ng KAMI, narinig pa raw ng mga magulang ng bata ang paghingi ng saklolo ng mga ito ngunit sa tindi ng usok at apoy, di na nila nagawang isalba pa.

Di inaasahang magiging magulo ang paghahatid sa mga bata sa kanilang huling himlayan.

Tumaas kasi ang tensyon sa daan nang sugurin ng ilang residente ang mga magulang ng mga bata.

Ayon sa post ng netizen na si Gerbermine A Lacsamana, galit daw ang mga sumugod na residente dahil sa pagiging iresponsable di umano ng mga magulang ng limang bata. Ang paglalaro kasi ng posporo ng 2 sa limang bata na namatay ay pinagmulan daw ng sunog.

Maalalang kinandado ang mga ito sa loob ng bahay, dahilan para di manlang sila nakalabas nang oras ng sunog. Nang kapanayamin pa ang ama, nawala daw ang "susian" nito kaya di rin agad mabubuksan.

Kaya naman di napigilan ng ilan nilang mga kapwa residente na nasunugan na sisihin ang mga magulang sa pagkawala ng kanilang tahanan at ari-arian.

Kung di raw kasi iniwan ang mga bata, di mangyayari ang sunog at di sila hirap maghanap ng ibang matutuluyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? PAY ATTENTION: Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizen:

"Hindi mnlng inantay mailibing mga bata mga wlang awa!! Bahay lng nawala sa inyo samantalang sila wla ng bahay nawalan pa ng anak"

"nqa mqa tao nambugbog sa ama nq mqa bata ...RESPETO lnq sa mqa bata tpuz na unq nangyri wag na nten isisi sa knla ....Ou mai ksalanan cla peo ndi amn nla gnusto un !!! magulang din aq ...bgyan amn nten ng ktahimikan unq libing sa mga bata!!!."

"wala na kau awa. Pwede naman palipasin yan."

"Dapat ikulong ung mga bumanat.. bahay lang naman ang masunog mapapalitan din pero ang buhay ng mga anak nila kailan man hinde na maibabalik.. Wala kaung awa.."

"“Opinion lang po ha? Sana kht sa huling sandali hinayaan nyo n mgng magulang cla sa mga bata,sana mas ngng maayos ang paghatid nila sknila. Hndi n nga po ngng mganda pagkawla nila pati pb nmn sa paghahatid sknila sa huling hantungan hndi p dn ngng maganda. Sana ipinagdasal nyo nlng po mga kaluluwa ng mga bata kesa gumawa p po ng eksena,”

"Sana ginalang nyo ang [interment] ng mga bata. Kahit anong sama ng mga magulang! Pagakatapos nyo n lng binanatan kung may sama kyo ng loob. Tsk tsk. Lahat nman nadadamay pag may sunog. Di nman ginusto ng mga bata yung masunog sila at madamay ang kapitbahay nila. Yung mga magulang may pagkakamali man sana niRESPETO NYO ANG PAGHATID HANGGANG [INTERMENT] ng mga anak nila! Just saying,”

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Angeline Quinto, sinasama ang kanyang Mama Bob sa taping upang maalagaan

Angeline Quinto, sinasama ang kanyang Mama Bob sa taping upang maalagaan

Angeline Quinto, sinasama ang kanyang Mama Bob sa taping upang maalagaan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel