Chito Miranda, napaluha nang ma-meet ang cast ng 'Ang Huling El Bimbo' musical

Chito Miranda, napaluha nang ma-meet ang cast ng 'Ang Huling El Bimbo' musical

- Hindi nga napigilan ng bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang "maluha at maiyak" nung na-meet nya ang mga cast ng 'Ang Huling El Bimbo' musical

- Binahagi ito ng mister ni Neri Naig sa kanyang Instagram page ang larawan at sinulatan pa ito ng mahaba at nakakatouch na mensahe sa caption ni Chito

- Namangha ng husto ang bokalista sa mga artista ng nasabing musical at ang buong show sa kabuuan nung nanood sya kasama ang misis

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napaluha at napaiyak ang bokalista ng Parokya ni Edgar nang mameet ang mga cast ng musical show na Ang Huling El Bimbo.

Una namin nalaman ang balitang ito sa Push.

Sa naispatan ng KAMI sa naturang post ni Chito ay tila nadala ang mang-aawit sa galing ng mga cast members ng nasabing musical show na kinabibilangan nina Gian Santos, OJ Mariano, Jon Santos, at marami pang iba.

Ani ni Chito sa kanyang caption sa IG post nya:

"Eto ako nung nameet ko yung cast ng Huling El Bimbo after the show. Sobrang nahiya talaga ako sa kanila kasi di ko napigilang maluha at maiyak nung nameet ko sila (baka sabihin nila ang OA ko naman) pero wala akong magagawa kasi ganun talaga ako when I'm blown away with something. "

Napabilib nga sya dahil sa magaling na performance ng buong cast ng naturang musical show kaya dugtong pa nya sa caption nya:

"Mula simula hanggang dulo, nakangiti, kinikilabutan, at naiiyak ako buong time, not just because I'm a huge Eheads fan, but because of how their songs were used, and how they were sung by the artists, kasabay ng kwento."

At sa pagtatapos ng kanyang caption, sinabi ng Parokya ni Edgar lead singer:

"Sobrang hinighlight, shinowcase, at ipinamahagi sa buong play ang talent ng mga Pinoy. World class talaga...at dun ako naiyak."

Sa unang post ni Chito ay pinagmalaki nya ang kanyang pagiging fan ng Eraserheads.

Ani pa niya:

"Alam ng mga nakakakilala sa akin kung gaano ako kalaking fan ng Eheads, mula Ultra hanggang Carbon, kaya hindi ko pwede palampasin 'to hehe!"

Marami din ang nag-iwan ng komento sa post ni Chito na sumusuporta rin sa kanyang mga pahayag.

"krismasayaaaSame feels (heart) grabe, that’s how I felt too when I watched the show. Sobrang paghanga sa galing ng mga Pinoy. Being a huge Eheads fan myself, sobrang pasasalamat din ang gusto kong iparating sa buong cast, crew and ensemble ng #anghulingelbimbo2018. They made the Eheads songs come alive at binigyan pa nila ito ng mas malalim na kulay. Ang lupit at ang astig lang talaga! @chitomirandajr @mrsnerimiranda"
"we were there also and i feel you!!! sobrang gandang tlaga!"
"Iyak din ako. Nabisto tuloy yong isang eyeliner brand na smear proof, smudge proof daw. Smeqr na smear eh!"

Kilala si Chito Miranda bilang ang lead singer ng bandang Parokya ni Edgar na marami na ring mga kanta na pinasikat at napangasawa ang Star Magic artist na si Neri Naig.

POPULAR: Read more news about Chito Miranda here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel