Janine Gutierrez nakilala si Henry Golding, si Nick Young ng 'Crazy Rich Asians'

Janine Gutierrez nakilala si Henry Golding, si Nick Young ng 'Crazy Rich Asians'

- As in OMG! talaga dahil nakilala lang naman ng Kapuso star Janine Gutierrez ang dashing debonair na si Nick Young ng Crazy Rich Asians

- Binahagi ng aktres ang isang litrato niya kasama ang aktor na gumanap na Nick Young sa pinag-uusapang pelikula ngayong taon na si Henry Golding

- Hindi na nagpatumpiktumpik pa si Janine at shinare niya ang picture sa kanyang Instagram account at nilagyan pa ng nakakawindang na caption

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod pa sa nakakabilib na mga "double tap-worthy" posts ni Janine Gutierrez sa kanyang classic travel OOTD snaps ay tila mas pinapaselos pa tayo ng Kapuso aktres dahil nakilala nya pala ang dashing debonair at napakacharming na aktor na gumanap sa papel na Nick Young sa Crazy Rich Asians na si Henry Golding.

Isang throwback picture nga ang binahagi ng Victor Magtanggol actress, kung saan kasama nya ang naturang aktor.

Una naming naispatan ang litrato sa cosmo.ph.

Ayon pa sa napag-alamn ng KAMI, ang nasabing larawan ay kuha pala noong nag-attend ang aktres sa Louis Vuitton event sa Singapore.

At hindi na rin napigilan ni Janine ang maglagay ng nakakawindang na napakasweet na caption para sa hinahanggan na aktor, ang kinababaliwan ng lahat ngayon.

Ani ni Janine:

"Dear Nick Young,
I will learn mahjong for you and I will also teach you patintero. Please reconsider.
Love,
(Slightly) Crazy Hardworking Filipino
#tb to the @louisvuitton #LVTimeCapsule launch in Singapore"

Bumuhos naman ang mga reaksyon ng netizens at followers ng aktres.

"Wow! Kainggit naman..."
"omg omg omg"
"omg ang gwapo!"
"mahjong will be our new uno HAHAHA"
"I just died in envy"
"Wahhhh...in fair bagay! Hehehe"

Si Janine Gutierrez ay ang anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez na isang aktres, TV host, at commercial model.

Nagtapos ng degree sa European stuides sa Ateneo de Manila University.

Isang Kapuso star ngayon at nakilala sa iilang roles nya sa GMA-7 primetime series gaya ng Sherlock Jr. bilang si Irene.

Makikita sya ngayon bilang si Gwen Regalado sa bagong Kapuso TV series ang Victor Magtanggol.

POPULAR: Read more news about Janine Gutierrez here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel