Malupet na birthday surprise ang handong ng mga tropa sa kanilang kaibigan!

Malupet na birthday surprise ang handong ng mga tropa sa kanilang kaibigan!

- Hindi akalain ng isang lalaki na magpaplano ng birthday surprise ang kanyang mga katropa na mas lalo niyang ikinagulat matapos itong makita

- Gumawa ng isang mistulang funeral tarpaulin banner ang mga kabarkada ni Kurt Philip o mas kilala nila bilang "Baleleng"

- Todo halakhak naman ang netizens sa ikinasang sorpresa ng magtotropa para sa kanilan g kaibigan sa video na ngayon ay may higit 4M views na sa Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tuwing sosorpesahin ka ng iyong mga kaanak o mga kabarkada, hindi mo maiiwasang mapaluha o makaramdam ng matinding emosyon. Ito ay dahil sa pasasalamat na nararamdaman, ngunit ibahin niyo ang magkakatropa na ito!

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa magbabarkada na talaga namang hindi mapantayan ang kalokohan pagdating sa pangtitrip sa kanilang katropa.

Hangad lang naman nila na maging masaya at 'memorable' ang birthday ng kanilang katropa, kung kaya't ikinasa nila ang isang sorpresang magpapabago sa kanyang buhay.

Mapapanood sa video kung paano naghihintay si Kurt Philip sa pagdating ng isang kwelang birthday surprise na inihanda ng kanyang mga kabarkada sa kahabaan ng isang malaking kalsada.

Nang makarating ang van na lulan ang mga kabarkada niya, hindi nito napigilang mapamura at mapatawa nang malakas dahil ang inakala niyang birthday surprise na nakakatouch ay kalokohan lang pala!

Nagpa-imprenta ang mga kaibigan ni Philip o "Baleleng" ng isang funeral-type banner na gawa sa tarpaulin habang ito'y nakadikit sa harapan ng nasabing sasakyan.

Mistulang patay at hindi buhay na birthday celebrant ang binati ng magkakabarkada. Pero kahit ganito pa man, pasalamat pa rin si Kurt at game na game an nagselfie kasama ang mga kaibigan habanag hawak pa ang isang puting lobo.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel