Pano kaya 'yon?! Britney Spears x Jose Mari Chan mashup viral ngayon sa social media

Pano kaya 'yon?! Britney Spears x Jose Mari Chan mashup viral ngayon sa social media

- Hindi akalain ng netizens na posible palang paghaluin ang isang Christmas song na malumanay at banayad pakinggan at ang isang pop party song ni Britney Spears

-Ikinagulat ng marami ang napakaswabeng pagkakahabi ng "Christmas In Our Hearts" ni Jose Mari Chan at "Toxic" ni Britney Spears

- Umabot na sa mahigit 370,000 views ang nasabing audio mashup na tinawag na "Toxic in our hearts" na talagang nagpatawa sa netizens na nakarinig nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi mo lubos maiisip na magagawan pala ng magandang kombinasyon ang dalawang kanta na talagang magkaiba ng genres, ngunit pwedeng pasok naman sa beat. Patunay ito sa isang mashup na hindi inakala ng marami ngayon sa social media.

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa nasabing mashup matapos itong mag-trend at i-share ng daan-daang netizens sa Facebook, kung saan ito inupload ni Juro Ongkiko.

Matapos itong maging viral, maraming netizens ang nagustuhan ang vibes na dala ng kanta.

Tugon nila, hindi raw nila maiisip na ang beat at tono ng "Toxic" ni Britney Spears ay mailalapat sa mga salita ng "Christmas in Our Hearts" ni Jose Mari Chan!

Anila, nagsimula daw ang lahat matapos nang magsimula na ang -ber months ngayong buwan ng Setiembre.

Hindi na raw kasi maiiwasan, lalo na sa mga pamilihan at radyo, ang pagpapatugtog ng mga kanta nina Jose Mari Chan, Mariah Carey, Jackson 5, at iba pa.

Ito raw ay isang magandang kick sa Christmas song ni Jose Mari Chan.

Pakinggang ang naturang "Toxic in our hearts" sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel