Karla Estrada nagpahayag ng naramdaman sa kissing scene nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Karla Estrada nagpahayag ng naramdaman sa kissing scene nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

- Hindi maikakailang medyo fierce ang naging kissing scene nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

- Napatanong tuloy ang mga batang guests kay Queen Mother kung ano ang reaksyon niya sa kissing scene nila Daniel at Kath

- Napahagikhik naman papano si Momshie at simple lang ang naging sagot sa mga batang likas na curious

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging successful ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na "The Hows of Us," at isa sa mga tumatak sa isipan ng mga tao ay ang kissing scene nina Kath at Daniel.

Medyo mas grabe kasi ito ngayon kaysa mga previous movies nila kung kaya naman tumawag ito ng pansin ng mga kiddie judges ng Just Kids' League.

Nang mag-guest ang mga bata sa Magandang Buhay, tinanong nila si Momshie Karla Estrada kung ano ang reaksyon nito sa kissing scene.

Sabi ni Karla ay nasa tamang edad naman daw kasi sina Ate Kath at Kuya Daniel kung kaya't okay lang daw yun.

"Alam niyo mga anak (kiddie judges), nasa tamang edad kasi ginagawa ‘yon bilang artista. Si Kuya Daniel at Ate Kathryn ay nasa tamang edad para i-acting na ‘yung ganon," sabi ni Karla.

"Dapat nasa right age. I think ang right age ay nasa 22 pataas," sabi ni Momshie.

Natanong din siya kung alam niyang limang taon na sila Kath at Daniel at sagot niya ay, "Hindi. Kasi hindi ako nakiki-alam (kapag) tungkol sa relasyon nila.”

Si Daniel dapat, (kasi) ang lalaki dapat ang nagsasabi lagi (sa iba) tungkol sa relasyon. Kasi hindi maganda na manggagaling sa babae o sa nanay," sagot ni Karla sa mga bata.

Sa isang interview sa kapatid ni Daniel na naiulat sa KAMI, maraming humanga kay Karla dahil sa kung paano niya pinalaki mga anak niya.

Si Karla Estrada ang nanay ni Daniel Padilla. Siya ay isang host ngayon sa morning show na Magandang Buhay.

Anak ni Karla si Daniel sa kapatid ni Robin Padilla na si Rommel Padilla.

POPULAR: Read more about Karla Estrada

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN

Nakakagulantang! 5 rason kung bakit diumano iniwan ni Regine Velasquez ang GMA at lumipat sa ABS-CBN
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel