Pangulong Duterte, inaming ‘nasobrahan’ na si Asec. Mocha Uson

Pangulong Duterte, inaming ‘nasobrahan’ na si Asec. Mocha Uson

- Sa isang speech sa Israel, inamin ng Pangulo na nasobrahan na si Mocha Uson

- Ngunit ipinagtanggol niya pa rin ito dahil ito ay parte ng ‘freedom of expression’ ni Uson

- Sinabi rin ng Pangulo na maraming kalaban si Uson

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin diumano ni Pangulong Duterte na nasobrahan na ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary na si Mocha Uson.

Naispatan ng KAMI sa ABS-CBN News na sa isang speech ng Pangulo sa Jerusalem, Israel, nabanggit niya ang isyu tungkol kay Mocha Uson at dinepensahan niya ito.

Ayon sa pangulo, “Si Mocha maraming kalaban. There are things na tingin ko medyo nasobrahan.”

“That's not really crime itself as long as it is covered sa provision sa constitution: freedom of expression. Kung ano ang gusto niyang sabihin, ke empleyado ko ng opisina ko o sa labas, that is not really my concern as long as it is covered ng freedom of expression,” dagdag pa ni Duterte.

Marami ang bumatikos kay Asec. Mocha Uson noong naglabas siya ng bidyo kasama ang pro-Duterte blogger na si Drew Oliver. Ang naging viral na bidyo na ito ay ang pagbibigay lecture ni Uson at Olivar tungkol sa pederalismo. Kaya naman gumamit sila ng jingle na may linyang ‘pepedederalismo’.

Sa dating report ng KAMI, ilang PCOO officials ang nais paalisin sa pwesto si Uson. Nagsumite na rin sila ng opisyal na kasulatan tungkol dito para sa presidente.

Si Uson ang isa sa mga nangunguna noon sa pangangampanya kay Pangulong Duterte noong nakaraang eleksyon kaya naman tinatanawan niya ito ng utang na loob.

POPULAR: Read more about Mocha Uson here!

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

BTS ‘Idol’ is a K-pop song that is breaking all records now! That’s why the group has invited their fans to join the Idol dance challenge. This trend has spread over the web. Thousands of people from around the world have already created their own videos. And, of course, we couldn’t stand by. KPop Dance in public places of the Philippines: how do people react to it? Our host is going to make the real live performance to get the answer to this question! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel