Olympic table tennis player na si Ian Lariba, pumanaw na

Olympic table tennis player na si Ian Lariba, pumanaw na

- Pumanaw na ang Olympian at table tennis player na si Ian "Yanyan" Lariba

- Noong nakaraang taon lang na-diagnose na may kanser ang athlete

- Si Lariba ang tinaguriang Most Valuable Player at UAAP Athlete of the Year nang ilang taon sa UAAP noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang kanyang pakikipagsapalaran sa kanser, pumanaw na ang Olympian na si Ian “Yanyan” Lariba, 23 years old.

Napagalamanan ng KAMI sa ABS-CBN News ang trahedyang nangyari sa pamilya Lariba. Maging ang Philippine Sports Commission ay nakidalamhati sa pamilya Lariba sa kanilang isang tweet.

Noong nakaraang taon ay na-diagnose na may kanser ang Olympian. Bago siya pumanaw ay sinugod muna siya sa St. Luke’s Bonifacio Global City (BGC).

Bagama’t nakumpleto naman ni Ian ang kanyang 5-day chemotherapy at nagsagawa ng MRI sa kanyang utak at spine noong Agosto 23, ay tila hindi na kinaya ng kanyang katawan ang sakit.

Si Ian Lariba ay naging pride ng Pilipinas noong lumaban sa Rio Olympics 2016. Kinilala siya bilang Most Valuable Player (MVP) sa Season 75, 77 at 78 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Sa Season 77 at 78 naman ay tinagurian siya bilang UAAP Athlete of the Year.

Siya ay isang mag-aaral noon sa De La Salle University at naging undefeated sa loob ng limang taon niyang pagcocompete sa UAAP.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

BTS ‘Idol’ is a K-pop song that is breaking all records now! That’s why the group has invited their fans to join the Idol dance challenge. This trend has spread over the web. Thousands of people from around the world have already created their own videos. And, of course, we couldn’t stand by. KPop Dance in public places of the Philippines: how do people react to it? Our host is going to make the real live performance to get the answer to this question! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings

Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings

Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel