Anu daw 'yon?! Drayber, naimbyerna sa isang MMDA enforcer dahil sa maling pagtiticket

Anu daw 'yon?! Drayber, naimbyerna sa isang MMDA enforcer dahil sa maling pagtiticket

- Viral ngayon ang video ng 'di pagkakaunawaan ng isang motorista at isang traffic enforcer dahil sa maling pagtiticket

- Napasigaw ang nasabing motorista na nagpakita ng expired license ngunit may resibong katunayan na kaka-renew lang niya pero pinagbayad pa rin

- Maraming netizens ang nabwisit sa nasabing enforcer na nagticket sa pinagbayad na motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galit na galit ang isang pasahero na hinuli ng isang MMDA traffi enforcer dahil sa isang maling violation na inilagay sa kanyang ticket. Aniya, "bobo" raw ang nasabing enforcer dahil sa paliguy-ligoy niyang pagpapaliwanag sa drayber.

Nalaman ng KAMI ang nasabing viral video matapos itong i-share ng napakaraming netizens na nagalit din sa nasabing traffic enforcer.

Ayon sa video, hinuli ang drayber ng MMDA traffic enforcer dahil sa pagtetext habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

Agad na tumigil naman ang drayber at nakipag-usap ito sa nasabing enforcer na nakahuli sa kanya na gumagamit ng cellphone.

Ngunit nagsimula na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa matapos magpakita ng expired na license and drayber na kanya namang sinundan ng isang resibong katunayan na kaka-renew lang ng lisensya.

Ayon sa enforcer, verified naman daw ang nasabing resibo ngunit nagticket pa rin ito na siyang kinagalit na ng driver.

Sabi ng driver, hindi naman daw niya kasalanan na wala siyang ID card dahil hindi naman daw nag-issue ang LTO sa kanya ng temporary card kundi resibo lang na katunayan na updated pa rin ang lisensya niya sa kanilang sistema.

Hindi pa rito nagkasya ang may mainit na ulong drayber at minura pa ang enforcer at sinabihang 'katangahan' daw ang nangyayari.

Pero hindi pa rin ito umano naintindihan ng enforcer at pinilit pa rin na magticket siya. Upang hindi na lang daw masayang ang oras, nagbayad na lang daw ang nasabing drayber ng sasakyan.

Panoorin ang nasabing viral video sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel