Mr. 'Tatlong Milyon', binulyawan ang delivery boy na nakabangga sa kanyang mamahaling van!

Mr. 'Tatlong Milyon', binulyawan ang delivery boy na nakabangga sa kanyang mamahaling van!

- Hindi kinaya ng isang may-ari ng van ang pagkakabangga sa kanya ng isang Jollibee delivery boy sa gilid ng kanyang van

- Aniya, 'tatlong milyon 'yan!' Sigaw niya na nagngingitngit sa galit sa nasabing delivery boy

- Iba't iba naman ang naging tugon ng netizens sa nasabing pangyayari, may mga nainis dahil may insurance naman daw 'yun at may kumampi naman din sa drayber

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galit na galit ang isang lalaking may-ari ng isang Starex van sa isang Jollibee delivery boy dahil sa pagkakabunggo nito sa nasabing van. Aniya, 3M Piso raw ang halaga ng kanyang sinira kaya hindi niya naiwasang bulyawan ang delivery boy.

Nalaman ng KAMI ang nasabing pangyayari matapos itong maging viral sa social media kamakailan lang dahil sa netizens na nainis sa nasabing drayber.

Anila, hindi naman daw dapat sinigaw-sigawan ang delivery boy ng Jollibee sa harap ng maraming tao dahil pamamahiya na raw ito.

Maraming naawa sa nakabangga sa van ng lalaki dahil ano raw ba ang ipambabayad ng delivery boy kung maliit lang daw ang kanyang kinikita?

Dala ng matinding stress at init ng ulo, sumigaw ang lalaking may-ari ng nasabing van sa delivery boy. "Tatlong milyon ang sinira mo, tatlo kamo!"

Isinigaw niya ito sa pagmumukha ng Jollibee delivery boy na katabi niyang nakatayo sa daan habang kinukunan naman niya ang nasabing damage sa sasakyan.

Nagbahagi naman ng mga opinyon ang netizens ukol dito:

"Hyundai grand starex wala pa nga sa 2milyon. Saka nasa right way si kuya jolibee wag kang ulupong."

"Kawawa nmn c manong driver jollibee naghahanap buhay lng nang maayos. Cnu laya faulty dyan? konsideration tatay hirap maghanap ng pera lamang ka nmn sa kanya."

"Baka nga hulugan PA yan eh.. 3M? Tangina hahaha"

"Nagtataka lang ako bat ganun ang position ng starex nya ehh hahahaha nasa saktong lane naman yata yung motor ng jobbiie"

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel