Angeline Quinto, naging emosyonal nang balikan ang kanyang mga pinagdaanan

Angeline Quinto, naging emosyonal nang balikan ang kanyang mga pinagdaanan

- Naging emotional si Angeline Quinto nang napag-usapan ang mga hirap na pinagdaanan niya

- Ibinahagi niya ang hirap na dinanas bago narating ang kanyang kinalalagyan ngayon

- Binalikan niyang muli ang panglalait at pangmamaliit na kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ng singer na si Angeline Quinto nang muling balikan ang kanyang pinagdaanan bago marating ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.

Marami daw pangungutyang natanggap si Angge bago siya naging champion sa Star Power noong siya ay 20 years old pa lamang.

Dahil sa kanyang chubby na pangangatawan ay napulaan daw siya noong siya ay nag aaudition pa lamang.

Mayroong nagsasabing natalo siya ni Sarah Geronimo sa Star For A Night (2002-2003) kaya napanghinaan na raw siya ng loob, at sinabi niyang huling sali na niya ang Star Power na mabuti’t naging champion naman siya.

Dahil dito, napag-isp isip daw ni Angeline na kinailangan niyang pagdaanan lahat iyon upang marating ang inaasam na tagumpay.

“Siguro dapat kong marinig yun, mapagdaanan yun.

"Kasi napatunayan ko sa sarili ko na hangga’t alam mo sa sarili mo kung ano yung gusto mong marating, kung ano yung gusto mong ipakita sa mga tao, basta buo yung puso mo para dun, hindi posibleng ibigay ng Diyos yun.

Naitanong niya pa sa sarili kung kailan pa mangyayari ang kanyang inaasam na tagumpay.

“Sa tinagal-tagal ng panahon na inantay ko nun na, sabi ko, kailan kaya darating yung panahon na sinasabi kong champion naman ako?

"So 20 years old po ako, ibinigay ng Diyos sa akin yun.

"So, na-realize ko lahat nung nanalo ako, sabi ko, siguro dinaanan ko lahat yun kasi ito yung panahon na ibinigay Niya sa akin."

Si Angeline ay regular na napapanood sa Sunday Variety show na ASAP at game show ni Luis Manzano na I Can See Your Voice bilang isa sa Singvestigators.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions!

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel